Matagumpay na idinaos ng Department of Agriculture – MIMAROPA Region High Value Crops Development Program (HVCDP) ang 2nd MIMAROPA Vegetable Derby and Field Day, ang kauna-unahan sa probinsya at pangalawa sa rehiyon, noong August 29, 2024 sa Brgy. Elvita, Narra, Palawan.
Layunin ng programa na maipakita sa mga magsasaka na mayroong iba’t ibang variety ng gulay lalo na ang lowland vegetables ang pwedeng itanim sa probinsya ng Palawan. Dito rin malalaman ng mga magsasaka kung anong pananim mula sa mga seed companies ang umangat sa iba’t ibang aspeto katulad ng ani, resitensya sa sakit at kalidad ng bunga.
Nagkaroon ng ribbon cutting at ceremonial harvesting na kung saan tampok ang mga pananim na talong, kamatis at siling panigang. Pinangunahan it ni Agricultural Program Coordinating Officer Vicente A. Binasahan, Jr., HVCDP Regional Focal Person Maricar T. Combalicer kasama ang Narra Vegetable Growers Cluster Association (NVGCA) nagsilbing farmer cooperator sa pangunguna ni Chairman Sebiano Retig, DA-Palawan Research Experiment Station Chief Librada Fuertes, Compliance Officer ng DA MIMAROPA Office of the Regional Executive Director (RED) na si Atty. Nicolle Katrine S. Manlapid, Supervising Administrative Officer (SAO) Edgardo C. Zabala mula sa Provincial Local Government Unit, Superintendent for Reformation and Chief of Livelihood Doc Teddy S. Martin mula sa Bureau of Corrections, at mga kinatawan mula sa limang (5) private seed companies kinabibilangan ng Allied Botanical Corporation, Pilipinas Kaneko Seeds Corporation, East-West Seed Company Incorporated, FA Greenseeds Corporation, at RAMGO International Corporation.
Higit 200 ang lumahok kabilang ang ilan sa mga miyembro ng farmer associations (FAs) mula sa Brooke’s Point, Roxas, San Vicente, Sofronio Española, Taytay, Quezon, Rizal, Aborlan, Narra, at Palawan Tarabidan Multi-purpose Cooperative, Agricultural Extension Workers at mga kawani ng pamahalaan.
Nagkaroon rin ng programa sa Brgy. Taritien Covered Court na kung saan pinasalamatan ni HVCP Regional Focal Person Maricar T. Combalicer ang mga opisyales at mga miyembro ng NVGCA sa naging tagumpay ng Vegetable Derby Project ng kagawaran at sa tulong ng Office of the Municipal Agriculturist ng Narra at Office of the Provincial Agriculturist ng Palawan at sa pakikipag-kolaborasyon sa limang partner seed companies.
“Kung ano man ang pangangailangan niyo, ipaabot lamang ito sa kagawaran upang mabigyan pansin. Kahit nagkakaroon ng kakulangan ay ginagawan pa rin naming ng paraan upang mapagbigyan ang lahat sa kanilang mga pangangailangan sa pagsasaka,” wika ni APCO Vicente A. Binasahan Jr., na kinatawan ni RED Atty. Christopher R. Bañas.
Kinilala naman ang mga kumpanyang may pananim na angkop sa lugar at klima ng probinsya, may magandang merkado, at may magandang antas ng produksyon. Binigyan ng sertipiko ng pagkilala sa pananim na kamatis ang FA Greenseeds Corporation at East-West Seed Company Incorporated. RAMGO International Corporation at Allied Botanical Corporation para sa talong at Kaneko Seeds Corporation at Allied Botanical Corporation naman para sa siling panigang.
“Pagdating sa derby sa manok may talo at panalo, pero sa vegetable derby ang may panalo at walang talo ay mga magsasaka dahil nagpapaligsahan ang mga seeds companies pagdating sa kung ano mas maganda, mas may resistensya sa mga sakit at mas maganda ang produksyon at ang mga magsasaka ang makikinabang dito”, sabi ni G. Edgardo C. Zabala na kinatawan ni Gov. Dennis M. Socrates.
Dumalo rin sa programang idinaos sa Brgy Taritien ang kinatawan ni Narra Mayor Gerandy B. Danao na si Councilor Benedicto Acosta, Agriculture Coordinating Officer kasama ang presidente ng HVC FA sa Brgy. Elvita na si Antonio U. Alvarez, Brgy. Captain ng Taritien na si Fernando S. Antimano, at Brgy. Captain ng Elvita na si Diosdado Bonado.
Turn over ng Vegetable Consolidation Facility
Pormal ding na-turn over sa NVGCA ang bagong Vegetable Consolidation Facility na matatagpuan sa Brgy. Taritien. Nagkakahalaga ang pasilidad ng Php 739,736.69 at may sukat na 6x5 metro (floor area).
Ang pasilidad ay magsisilbing lugar para sa sorting, cleaning, grading, and packing ng kanilang mga produkto upang mas mabenta nila ito sa isang mas organisadong pamamaraan. Sa pamamagitan nito mapapataas ang kita ng mga magsasaka at makakapabigay ng de-kalidad na produkto para sa mga mamamayan.
Sinaksihan ang aktibidad nina APCO Vicente A. Binasahan, Jr., HVCDP Regional Focal Person Maricar T. Combalicer, DA-PRES Chief Librada Fuertes, DA MIMAROPA Compliance Officer Atty. Nicolle Katrine S. Manlapid, SAO Edgardo C. Zabala, at Dr. Teddy S. Martin mula sa Bureau of Corrections, HVCDP staff, kawani mula sa PLGU at mga miyembro ng asosasyon.