News and Events

Kauna-unahang Cashew Eco-Park sa Palawan binuksan sa publiko ng DA-PRES
Kuhang larawan sa ginanap na Soft Opening ng DA-PRES Cashew Eco-Park. Mula kaliwa pakanan: Gilberto Antenero, Richard Gabo, Tiburcio Jagmis, Jr., APCO Engr. Victor Binasahan, Arlo Solano, RTD Elmer T. Ferry, Center Chief Librada L. Fuertes, Hon. Nancy Socrates, Erwin Edualino, Dr. Romeo Cabungcal, Engr. Enrico Lim, Leonardo Enriquez, Mario Basaya at ang dalawa sa mga kawani ng DPWH-Palawan.

Kauna-unahang Cashew Eco-Park sa Palawan binuksan sa publiko ng DA-PRES

Pinangunahan nina Center Chief Librada Fuertes at MiMaRoPa Regional Technical Director, Engr. Elmer T. Ferry ang pagbubukas ng kauna-unahang Cashew Eco-Park sa Palawan at sa Rehiyon ng MiMaRoPa. Isa ito sa pinakatampok na aktibidad sa ginanap na pagdiriwang para sa paggunita sa ika 69th taon ng pagkakatatag ng Department of Agriculture-Palawan Research and Experiment Station (DA-PRES).  

Nakibahagi sa paggupit ng laso upang buksan ang Cashew Eco-Park ang iba’t ibang ahensya at tanggapan na katuwang ng PRES sa mga programa at proyektong pang-agrikultura tulad ng Provincial at City Agriculture, Department of Trade and Industry-Palawan, Provincial Fishery Office, Department of Public Works and Highway-Palawan, National Food Authority-Palawan. Dumalo din ang mga kinatawan ni Congressman Edward S. Hagedorn na sina Marivic Javarez at Erwin Edualino, gayundin ang Vice Mayor ng Puerto Princesa na si Hon. Nancy Socrates at ang Konsehal ng Munisipyo ng Roxas na si Hon. Bernie Valdez.                                                                                                   

Ang Probinsya ng Palawan ay kilala bilang Cashew Capital of the Philippines. Ang pagtatayo ng DA-PRES Cashew Eco-Park sa DA-PRES compound sa Barangay Sta. Monica ay isa sa pagturing sa kasuy bilang priority or identity crop ng Palawan.

Sa muling pagsigla ng turismo, ito ay nagbibigay suporta sa Agro-Eco Tourism ng Palawan.

Nag-aalok ito ng bagong destinasyon sa mga lokal at internasyunal na turista na malapit lamang sa kabayanan ng Lungsod ng Puerto Princesa. Kaya madali itong puntahan. Maari rin itong makatulong at magbigay inspirasyon sa mga mag-aaral at propesyunal na nagnanais matuto o magsaliksik tungkol sa kasuy at mga kaugnay nito.

Sa Cashew Eco-Park ay matatagpuan ang iba’t ibang variety ng kasoy tulad ng Mitra, Recto, Fernandez, Gonzalez, Caliwag at Eleazar, ang anim (6) na promising cultivars na natukoy sa pag-aaral na isinagawa noong 1977 hanggang 1987. Mayroon ding mga nakalimbag na mahahalagang impormasyon tungkol sa kasuy na maaring mabasa habang naglalakad o nakaupo sa mga bangko sa parke.

Sa ngayon ay mayroong chashew orchard at scion and foundation groves sa pangunahing tanggapan ng DA-PRES sa Sta. Monica, Puerto Puerto Princesa City, sa Palawan Agricultural Center, Irawan Puerto Princesa City (isang pasilidad ng DA-PRES) at sa Abo- Abo Rural Agricultural Center (isa pang pasilidad ng DA-PRES) na matatagpuan sa Sofonio Espaniola, Palawan. Ang mga ito ang ginagamit para sa sekswal at asexual na pagpaparami ng kasuy upang ipamahagi sa mga interesadong magtanim ng kasuy pangunahin na sa mga asosasyon at kooperatiba. Pinagmumulan din ito ng mga de-kalidad na buto at mga materyales sa pagtatanim para sa pagpaparami ng pribado at gobyerno na mga nursery ng halaman.

Nakadagdag pa sa atraksyon ng Cashew Eco-Park ang isinagawang paligsahan ng edible landscaping na nilahukan ng mga istasyon mula sa Dairy Production and Development Center (DPDC), Palawan Agricultural Center (PAC), Abo-Abo Rural Agricultural Center at Research and Development (R&D) ng PRES. Ang mga naging hurado sa paligsahan ay sina Dr. Romy Cabungcal, ang Provincial Agriculturist ng Palawan, Enera Tuibeo, ang Assistant City Agriculturist at Arlo Solano mula sa Philippine Coconut Authority. Ang kanilang naging basehan sa paghusga ay ang Creativity (30%), Unity (20%), Balance (20%) at Adherence to the theme (30%) na may kabuuang 100 porsyento. Ang unang gantimpala ay napanalunan ng R&D, ang ikalawang gantimpala naman ay napunta sa Abo-Abo RAC, sumunod dito ang DPDC at ang PAC.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.