News and Events

Katutubong magsasaka, nakatanggap ng 1.5M halaga ng makinarya mula sa DA-SAAD

Katutubong magsasaka, nakatanggap ng 1.5M halaga ng makinarya mula sa DA-SAAD

MAGSAYSAY, OCCIDENTAL MINDORO – Ipinagkaloob ng Department of Agriculture -Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Project sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan (LGU) ng Magsaysay ang Php 1,499,000.00 halaga ng makinarya sa dalawang asosasyon ng Ratagnon-Mangyan upang palakasin ang produksyon ng mais sa lugar.

Nakatanggap ang Samahang Ratagnon ng Sitio Bamban (SRSB) at Calachuchi Alibog Corn Farmers Association (CAC FA) ng corn mill at corn sheller. Ang mga makinarya ay kasama sa inirekomenda ng LGU sa assessment ng SAAD na naglalayong pabilisin ang proseso ng paghihiwalay ng butil ng mais mula sa busil at paggiling nito.

“Noon, hirap tayo sa pagte-thresher, sa pagbibilad, [at] maging sa pagbebenta [ng mais]. Ngayon na mayroon na tayong kagamitan, nakikita natin na magiging maganda ang ating pagsasaka sa bundok,” ani Magsaysay Mayor Cesar M. Tria.

Ang SRSB ay binubuo ng 60 magsasaka habang ang CAC FA ay may 44 miyembro na nagsasaka ng mais sa humigit-kumulang na 100 hektarya ng lupa. Kanilang binebenta sa mga karatig lugar ng Php 17.00 hanggang 19.00 kada kilo. Ginagamit naman ng mga katutubo ang giniling na mais bilang pamalit sa bigas.

Inimbitahan ni Mayor Tria ang mga benepisyaryo na magpatuloy sa pagpapalago ng mga proyektong ibinigay sa kanila ng SAAD, “Kung kikita ang mga magsasaka, siguradong kikita ang samahan. Ingatan at pagyamanin ang binigay sa atin ng SAAD para matulungan natin ang ating mga sarili, ang komunidad at ang lokal na pamahalaan na umunlad.”

Isa ang mais sa mga pangunahing pagkain ng mga katutubo. Nakatanggap ang dalawang asosasyon ng 40 bags ng Asian Hybrid corn seeds at 40 pieces of corn planter noong Mayo upang madagdagan ang inaaning mais ng mga katutubo.

Nagtayo ng shed ang dalawang asosasyon para sa mga makinarya bilang kanilang bahagi sa proyekto.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.