News and Events

Kagawaran ng Pagsasaka, patuloy na kumikilos para matulungan ang mga magsasakang sinalanta ng Bagyong Quinta sa MIMAROPA
Scoping study of vegetable farmers’ cooperatives Orientation sa DA-Satellite Office, Camilmil, Calapan City

Kagawaran ng Pagsasaka, patuloy na kumikilos para matulungan ang mga magsasakang sinalanta ng Bagyong Quinta sa MIMAROPA

Sa pangunguna ni Agricultural Program Coordinating Officer ng Oriental Mindoro Coleta Quindong at ni High Value Crops Development Program Coordinator Corazon Sinnung na parehong mula DA RFO MIMAROPA, nagsagawa ang DA ng isang pag-aaral o survey na pinamagatang “Scoping study of vegetable farmers’ cooperatives in Oriental Mindoro to identify investments in market-oriented value chain development” sa Camansihan at Gutad, Calapan City kamakailan.

Layunin ng pag-aaral na ito na direktang makipag-ugnayan sa mga piling samahan ng mga magsasaka upang malaman ang mga detalye ng kanilang organisasyon kabilang ang bilang ng mga kasapi, kita, operasyon, produkto, pasilidad, at higit sa lahat, mapakinggan at matulungan sila sa kanilang mga kinahaharap na pagsubok sa pagsasaka bunga ng sunud-sunod na pananalanta ng mga bagyo at mga limistasyong hatid ng Covid-19 sa kanilang hanap-buhay, maging sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Sa naganap na pananaliksik sa pakikipagtulungan ni International Consultant ng kagawaran na si Dr. Antonio Lacedo, Jr., nakalap ang iba’t ibang kinagawiang pamamaraan ng pagsasaka mula sa pagpili ng mga binhi, pagtatanim, pamamahala ng peste at sakit ng mga halaman, paglalagay ng pataba, irigasyon, at mga kakulangan na nagdudulot ng pagbaba ng produksyon at kita, maging pagkalugi ng mga magsasaka.

Gayundin, pinag-aralan ng Scoping team ang gawi ng mga kooperatiba sa pag-aani, field-handling, consolidation/packhouse operations, packaging, storage, transport, and market handling.  Napag-usapan din sa nasabing gawain ang mga market outlets, pricing, paraan ng pagbabayad, market flow, branding, wholesaling and retailing, at iba pang marketing support systems.

“Kailangan nating mai-orient din ang mga magsasaka para alam nila kung paano ang marketing since sila rin ang focus ng ating study na ito – para sila ay kumita,” wika ni Dr. Antonio Lacedo, Jr.

Pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang magsasaka ng Brgy. Camansihan at Brgy. Gutad

Sa ganitong paraan, sa tulong ng mga kooperatiba, mas mapaiigting ang proseso ng Kadiwa ni Ani at Kita (Kadiwa), isang market-driven commercial enterprise ng kagawaran na may layuning matulungan ang mga magsasaka na mabili ang kanilang mga produkto at mailapit sa mga mamimili sa abot-kayang halaga na kung saan kikita rin ang mga magsasaka.

Magtatalaga ang bawat kooperatiba ng mga pangkat na mamamahala sa pagpapatakbo ng negosyo;  Production team para sa Production Planning and Schedule, Marketing team para sa Packhouse facility na siyang makikipag-ugnayan sa market distribution center ng DA – RFO MIMAROPA sa Muntinlupa, Manila, at siya ring mamamahala sa kanilang online transactions.

Sa pakikipagtulungan ng marketing team ng kooperatiba sa DA- Agri-Business and Marketing Assistance Division(AMAD) kung saan sa pamamagitan ng isang online marketing partner at mga supermarkets, high-end retailers, at institutional buyers, magkakaroon ng isang sistematikong pag-aangkat ng mga dekalidad na agri-commodities kung saan ang kita ay paghahatian ng mga kasapi ng kooperatiba.

Kabilang sa naganap na pag-aaral sa mga estado ng mga magsasaka matapos ang pagsalanta ng mga bagyo, nagbigay-kaalaman sa pamamagitan ni Science Research Specialist II Genesis Castro na tumalakay sa iba’t ibang paraan ng wastong pamamahala ng mga pananim tulad ng paglalagay ng mga organikong pestisidyo at iba pang mga paksa upang tumaas ang kanilang produksyon at mabawi ang kanilang pagkalugi.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.