News and Events

Kagawaran ng Pagsasaka, namigay ng Cash and Food Assistance sa mga magsasaka at mangingisda ng MIMAROPA
Distribusyon ng Cash and Food Assistance sa kwalipikadong mga magsasaka at mangingisda sa munisipalidad ng Pola kasama sina APCO Coleta Quindong, Hon. Jennifer M. Cruz, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coconut Authority (PCA)

Kagawaran ng Pagsasaka, namigay ng Cash and Food Assistance sa mga magsasaka at mangingisda ng MIMAROPA

Sa pakikag-ugnayan ng Kagawaran ng Pagsasaka sa mga farmer cooperatives at iba pang sangay ng kagawaran tulad ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at Philippine Coconut Authority (PCA) at mga lokal na tanggapan ng lalawigan, nakapamigay ang DA – Agribusiness Marketing Assistance Division (AMAD) ng tulong pinansyal at pagkain sa 707 benepisyaryo ng Cash and Food Subsidy for Marginalized Farmers and Fisherfolks mula Oriental Mindoro (343) Occidental Mindoro (90), Marinduque (144), at Palawan (130) nitong Disyembre 29.

Kaakibat ng pagpapatupad ng Republic Act No. 11494 o Bayanihan to Recover as One Act, layunin ng programang ito na suportahan ang mga maliliit na mga magsasaka at mangingisdang rehistrado sa Registry System for Basic Sectors of Agriculture (RSBSA) na lubhang naapektuhan ng pandemya at iba pang sakuna sa pamamagitan ng pagbibigay ng ₱ 3,000.00 halaga ng salapi at ₱ 2,000.00 halaga ng pagkain; tig-20 kilo ng bigas (₱ 1,000.00), 50 piraso ng itlog (₱ 600.00), at 3 kilo ng manok (₱ 400.00).

Sa pamamagitan ng pamamahagi ng manok at bigas, nakakatulong din ang Kagawaran sa mga lokal na prodyuser at maliliit na mga negosyante dahil ang mga piniling suplayer ay mga lokal na kooperatiba sa bawat bayan ng probinsiya.

Natutuwang nagpahayag ng pasasalamat ang mga magsasaka’t mangingisda na tumanggap ng suporta mula sa kagawaran.

Aktwal na pamimigay pagkain sa isang magsasaka ng Naujan

“Malaking bagay na po sa amin yan (₱ 5,000.00 halaga ng pera at pagkain mula sa kagawaran) dahil bukod sa pandemya na hindi kami malayang nakakalabas, nabagyuhan din kami – walang saging, walang niyog, walang mapagkakitaan, yung motor ko ay nadala na rin ng dagat,” wika ni Alexader Catayas mula Bacawan, isang miyembro ng Bantay Dagat ng Pola.

Gayundin, nagpasalamat din ang mag-asawang sina Bonifacio at Arsebisa Santos na kapwa magpapalay mula Nag-Iba I, Naujan, “Maraming maraming salamat po sa patuloy na suporta matapos ang mga kalamidad at dahil mayroon na po kaming pamasko. Paghahatian po ito (₱ 5,000.00 halaga ng pera at pagkain mula sa kagawaran) naming magkakamag-anak at magkakapitbahay. Para sa mga bibigyan, maghintay lamang po sila at mayroon pong darating.”

Kuwento naman ni APCO Lucila Jandusay ng Marinduque na tuwang tuwa ang mga magsasakang nakatanggap ng ayuda. Pati na rin ang nanalong kooperatiba na nagsuplay ng bigas, itlog, at manok dahil mabilis silang nabayaran.

Gumamit ng makabagong teknolohiya ang Kagawaran katulad ng paggamit QR code na nakalagay sa ibabang bahagi ng stub. Kailangan lamang itong ipresenta kasama ang isang valid ID sa alinmang sangay ng MLuillhier sa kanila-kanilang bayan upang makuha ang pera. 

Pagrerehistro ng mga benepisyaryong makatatanggap ng Cash and Food Assistance

Para sa mga katanungan, mangyari lamang makipag-ugnayan sa mga Tanggapan ng Pambayang Agrikultor ukol sa mga anunsyo at iba pang detalye ng programa na manggagaling sa Kagawaran ng Pagsasaka.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.