News and Events

KADIWA ng MIMAROPA,kumita kasabay ng pagdiriwang sa High Value Crops week
Ang mga kawani ng Agribusiness and marketing Division (AMAD) habang nagbebenta sa isang mamimili sa Kadiwa Sa may Agricultural Training Institute Building sa Elliptical Road, Diliman, Quezon City.

KADIWA ng MIMAROPA,kumita kasabay ng pagdiriwang sa High Value Crops week

Kumita ng mahigit 23 libong piso ang Kadiwa stall ng DA MIMAROPA na pinangunahan ng Agribusiness and Marketing Division (AMAD) at High-Value Crops Development Program sa harap ng Agricultural Training Institute building noong ika-15 ng Abril 2021.

Kabilang sa mga tampok na produkto ng Reghiyong Mimaropa ay ang bawang, pulang sibuyas, pakwan kamatis, munggo, melon, talong, kalabasa, ampalaya, singkamas, siling panigang, calamansi, dalandan concentrate, kamote at saging na saba.

Ang mga produkto ay mula sa ilan sa mga Farmers Association tulad ng Gloria Sustainable Agriculture Association (GLOSAA), Batongbuhay Farmers Association, Palawan Producers Cooperative, Pakyas Farmers Association at Tagbac Marketing Cooperative na mula sa Lubang, Occidental Mindoro. 

Ayon sa kinatawan ng AMAD na si Jogilyn Bentoy, ang nasabing Kadiwa ay naisagawa upang matulungan ang mga magsasaka na maibenta ang kanilang mga produkto sa dahilang natatakot sila nailuwas ang kanilang mga produkto dahil na sa pandemya.

“Ang DA na ang kumuha ng mga produkto mula sa magagsasaka at kooperatiba upang maibenta na namin,” pagbabahagi ni Bentoy.

Naipagbili ito sa mas murang halaga sa mga palengke at madaliang naubos sa pagbili ng mga empleyado at mga mamimili mula sa Quezon City. 

Ang ilan sa mga produkto na makikita sa Kadiwa ng DA Mimaropa ay makikita rin sa exhibit ng DA- Central Office na naglalayon na makilala ang mga produktong agrikultural ng Rehiyon. 

Ang programang ito ay alinsunod na rin sa High Value Crops week na nakapaloob sa Republic Act 7900 o mas kilala bilang High Value Crops Act of 1995 at pagdiriwang na din ng Taon ng mga Prutas at Gulay (Year of Fruits and Vegetables 2021) na ipinagdirwang ngayon ng Kagawaran ng Pagsasaka at mga regional offices nito. Ito rin ay pakikibahagi sa selbrasyon ng Filipino Food Month.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.