News and Events

Kadiwa MIMAROPA outlet sa Calapan City patuloy na tinatangkilik; online store, binuksan din
Hawak ang mga panindang saging at bawang, pinapakita ni Crispin Sadicon, presidente ng Papandungin Vegetable Growers Association, na ang kanilang mga paninda ay sariwa at magagandang klase mula mismo sa miyembrong magsasaka ng samahan.

Kadiwa MIMAROPA outlet sa Calapan City patuloy na tinatangkilik; online store, binuksan din

Sagot na ng Department of Agriculture MIMAROPA (DA-MIMAROPA) at Papandungin Vegetable Growers Association (PVGA) ang mas pinadaling pamamalengke sa Lungsod ng Calapan sa pamamagitan ng KADIWA (Katulong sa Diwa at Gawa ni Ani at Kita) MIMAROPA retail store at online selling.    

Mayo 12  nang opisyal na buksan ang KADIWA MIMAROPA retail outlet malapit sa tanggapan ng Regional Field Office, Barangay Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro sa pamamagitan ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) katuwang ang nabanggit na samahan ng mga vegetable grower mula sa Brgy. Papandungin, Gloria, Oriental Mindoro.

Mabibili dito ang mga sariwang gulay, prutas at bigas sa murang halaga.  Ang nasabing outlet ay bukas para sa lahat kabilang na iyong mga hindi personal na makakapunta dito sapagkat maaaring mamili ng mga gulay online sa KADIWA MIMAROPA Facebook page.

Simple lamang ang mga proseso ng pag-order: una, pumili ng mga bibilhin mula sa mga produktong nakapost sa nabanggit na page; ikalawa, magpadala ng mensahe para sa mga nais bilhin; ikatlo, pumili ng payment method kung saan maaari ang cash on delivery, GCash at bank transfer. Tatagal ng 15 minuto pataas ang delivery depende sa lokasyon ng umorder.

Ayon kay Crispin Sadicon, presidente ng samahan, malaking tulong sa pagbebenta nila ng mga gulay at prutas ang KADIWA program ng DA sa pangungunguna ni Secretary William Dar lalo na ngayong binigyan sila ng pagkakataon ng DA MIMAROPA sa pamumuno naman ni Regional Executive Director Antonio Gerundio na makapagtayo ng tindahan sa Lungsod ng Calapan kasunod ng pagtatapos ng kanilang pagtitinda sa isang pwesto sa Lungsod ng Las Piñas. Ipinaabot niya ang pasasalamat sa ahensiya sa dedikasyon nilang tulungan ang mga magsasaka mula sa pagtatanim hanggang sa pagbebenta ng mga ani.

“Nagpapasalamat kami sa ating gobyerno at kami pa rin ang pinagkatiwalaan na mag-KADIWA.”, mensahe ni Association President Sadicon.

“Nagapasalalamat po ang mga magsasaka namin dahil may pupuntahan na ang kanilang mga itinanim na binhi galing sa ating pamahalaan”, dagdag pa niya.

Samantala, ikinatuwa ng mga mamimili ang murang halaga ng mga paninda dito dahil farm gate price ang bigay ng KADIWA.

“Nakakatuwa mamili sa KADIWA kasi bukod sa mura ang paninda ay mga bago at sariwa ang mga gulay at prutas, ”pahayag ng mamimili na si Gng. Rose Damilig.

Kaya pakiusap ng PVGA at DA para sa ilang consumers na huwag na sana nilang tawaran pa ang paninda sa Kadiwa upang kumita naman ang mga magsasaka.  Sa loob ng limang araw na pagtitinda mula ika- 12 hanggang ika-19 ng Mayo, umabot ang kanilang benta sa P36, 492.60 na malaking tulong sa bawat miyembro ng samahan at kanilang mga pamilya.

Pinangunahan ang pagbubukas ng Kadiwa Outlet na ito ni Regional Executive Director Antonio Gerundio kasama sina Dr. Celso Olido, Chief, AMAD at Engr. Coleta Quindong, Agricultural Program Coordinating Officer. Panauhing pandangal naman si Provincial Agriculturist Christine Pine at ang hinirang na Farmer Director para sa Buwan ng Magsasaka at Mangingisda na si Junior Supnet

Kadiwa MIMAROPA retail store na matatagpuan sa J.P. Rizal St, Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.
Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.