Isinagawa ang #OksaOA Information Caravan sa dalawang probinsiya ng Mindoro, ika-8-9 ng Marso taong kasalukuyan. Pinangunahan ito ng National at Regional Organic Agriculture Program sa pakikipagtulungan ng mga Office of the Provincial Agriculturist ng bawat probinsiya.
Nilalayon ng aktibidad na palakasin ang pagsulong sa organikong pagsasaka sa pamamagitan ng paghikayat sa mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ordinansa ukol dito. Kaya naman, ang gawain ay nakatuon sa mga local executive, miyembro ng Sanggunian, mga provincial and municipal agriculturist, mga administrator, mga planning and development officer, mga budget officer, mga kinatawan ng mga farmers’ cooperatives at association (FCAs), OA industry partners and practitioners, at mga kinatawan mula sa national and regional offices.
Mainit na tinanggap Sa Occidental Mindoro ang OAP nina Hon. Ulysses P. Javier, Sangguniang Panlalawigan Member-Committee on Agriculture Chair; OIC-Provincial Agriculturist Alrizza Zubiri; at ni Grace Pastrana mula sa OPAG.
Pinahayag ni Board Member Javier ang kanyang buong suporta sa organic agriculture kung saan ninanais niya na ito ay makatulong sa pagpapababa ng presyo ng gulay at sangkap sa probinsiya. Kanya din ibinilin sa mga dumalo na sana’y palaganapin nila ang mga kaganadahan ng organikong pagsasaka.
“Sa mga nandirito responsibilidad po natin na ipaliwanag at ipalaganap ang ating mga matutunan sa gawaing ito,” kanyang paghikayat sa mga dumalo mula sa kanyang pambungad na mensahe.
Samantala, pormal na binuksan ang aktibidad sa Calapan City, Oriental Mindoro ni Regional Executive Director Engr. Maria Christine Inting at sinundan ng mga mensahe at pagbabahagi nina Executive Assistant to the Office of the Vice Governor Mark Francis Atienza, Provincial Agriculturist Christine Pine, Christian Generato mula sa Office of the Provicial Agriculturist at DA-MIMAROPA Organic Agriculture Program Focal Person Michael Iledan.
Ayon kay RED Inting siya ay natutuwa sa pinapakitang suporta ng mga bayan sa organikong pagsasaka at kanyang inaasahan na sa darating na panahon ay mas darami pa ang tumangkilik dito.
Katulad ni BM Javier, pinahiwatig din ni EA Atienza ang buong suporta ng lokal na gobyerno ng probinsiya.
“Timely nga itong information caravan upang matuto tayo sa kahalagahan at benepisyo ng organikong pagsasaka. Sa kasalukuyan, may itinalaga ng technical working group ang Governor Bhonz Dolor para sa organic agriculture at may mga ordinansa na ring pinapatupad ang bawat bayan ukol dito,” kanyang pagbabahagi mula sa kanyang pambungad na mensahe.
Bawat simula ng information campaign ay nagkaroon ng pagbabahagi ng kasalukuyang kalagayan ng organikong pagsasaka sa mga probinsiya.
Matapos nito ay tinalakay mismo ni OAP Director Bernadette San Juan ang Joint Memorandum Circular ng Department of Interior and Local Governance at Department of Agriculture ukol sa RA 10068, na naamiyendahan sa pamamagitan ng RA 1151 at ang halimbawa ng ordinansa maaaring gawin ng mga lokal na pamahalaan.
Tinalakay rin ng kanyang mga kasamahan ang ilang mga importanteng paksa tulad ng konsepto ng National Organic Agriculture Program na tinalakay ni Dale Ruseth Gabanes, Development Managementt Officer III at FCAs OA Forms na tinalakay naman ni Maria Lourdes Yasoña, Project Development Officer III. Nagkaroon din ng open forum para sa mga katanungan at klaripikasyon ilang isyu.