News and Events

Industriya ng kasoy sa Palawan magkakaroon na ng roadmap
Mga kalahok sa isinagawang workshop para mabuo ang Cashew Industry Roadmap sa Palawan. (Unang linya, kaliwa-kanan) HVCDP Coordinator Rene Madriaga, RTD for Operations Dr. Celso Olido, Regional Executive Director Maria Chritine C. Inting, MPM, PRES Center Chief Librada L. Fuertes, DA MiMaRoPA Chief for Operations Maria Theresa Aguilar, DTI-Palawan Maylene Delliro at iba pang kalahok na cashew stakeholders and key players.

Industriya ng kasoy sa Palawan magkakaroon na ng roadmap

Layunin ng Department of Agriculture (DA) -MIMAROPA High Value Crops Development (HVCDP) ang pagkakaroon ng roadmap ng industriya ng pagkakasoy sa Palawan sa ginawang Seminar workshop on Industry Situationer and Prospects for Cashew Industry cum Stakeholder Consultative Meeting sa Puerto Princesa City, Palawan, ika-apat hanggang ika-anim ng Setyembre, 2023.

Sa workshop na ito ay tinalakay ang sitwasyon ng industriya ng kasoy sa lalawigan ng Palawan para sa paghahanda sa ng mga plano at programa na sadyang mahalaga para sa pagpapasigla ng industriya ng kasuy sa lalawigan. Bahagi din ng aktibidad ang pag-update ng mga datos para sa cashew roadmap batay sa value chain analysis, isang gabay sa pagpapatupad ng mga proyektong may kinalaman sa kasoy sa Palawan.

Pangunahin sa mga nakilahok sa workshop na ito ang mga cashew farmers, processors at Agricultural Extension Workers mula sa mga bayan ng Roxas, Taytay, San Vicente, Dumaran, El Nido at ang Lungsod ng Puerto Princesa. Nagbahagi rin ng mahahalagang impormasyon at datos ang iba’t ibang ahensya na katuwang ng DA sa pagpapaunlad ng Cashew Industry sa Palawan tulad ng Department of Science and Technology, Philippine Statistics Authority,  Department of Trade and Industry, Office of the Provincial Agriculturist at DA-Palawan Research and Experiment Station. Samantala, katuwang naman ng HVCDP ang DA-Agribusiness and Marketing Assistance Division at DA-Philippine Rural Development Project sa pagpapadaloy ng workshop para sa pagbuo ng roadmap.

Ayon kay Provincial Agriculturist Dr. Romy Cabungcal ang kasoy ay itinuturing na isa sa mga priority commodity sa Palawan kasunod nito ang seaweeds, saging na saba, niyog at baboy. Kaya nagpahayag siya ng kanyang pagpapasalamat sa DA-MiMaRoPa sa pagdaraos ng makabuluhang kaganapang ito.

“Sa pamamagitan nito ay makakakilos tayo sa pagsulong ng industriya ng kasuy sa Palawan na hindi lamang tumitingin sa isang segment ng value chain kundi sa isang buong value chain ng cashew commodity,” dagdag na sinabi nya.

Nagpahayag naman ng kanyang buong suporta si DA-Regional Executive Director Engr. Maria Christine C. Inting sa layunin ng aktibidad na ito.

Ayon sa kanya, “kinakailangan makabuo na tayo ng cashew roadmap upang maging gabay natin sa mga plano para sa cashew industry sa Palawan upang sa ganun ay mapagtulung-tulongan natin na makapagbigay ng mga interbensyon na kailangan ng mga magkakasuy. Malaki ang maitutulong ng HVCDP, AMAD, at PRDP at iba pang ahensya para sa mga natukoy na intebensyon at proyekto ng mga cashew farmers and processors.”

Ibinahagi din ni RTD for Operations Dr. Celso Olido ang kanyang kaalaman patungkol sa industriya ng kasoy.

“Pagdating sa marketing aspect ay hindi problema ang market, ang problema ay ang supply dahil napakaraming gustong bumili  araw-araw. Kaya dito sa consultation o workshop ay titingnan natin kung magtutugma tayo sa data ng Philippine Statistics Office (PSA) sa data ng LGU at mga magtatanim ng kasuy. Kaya mahalaga na magkaroon tayo ng sapat at tamang datos ng kasoy para sa pagbuo natin ng roadmap hanggang sa taong 2028. Para mapatunayan natin na mayroong pera  sa kasoy”.

Hamon pa niya sa mga kalahok ay kailangan manatiling Palawan ang nagunguna sa buong bansa pagdating sa kasuy.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.