Ginanap ang inagurasyon at turnover ng Edible Landscape Demo Garden sa DA-Palawan Research and Experiment Station (PRES) nitong ika-30 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Ang collaborative project a ito a pinamagatang "Enhancing Regional Capacities on Urban Agriculture towards Nutrition Sensitive Crop Production through Edible Landscaping" ay pinondohan ng DA-Bureau of Agricultural Research (BAR), na ipinatupad ng MIMAROPA High Value Crops Development Program (HVCDP) at University of the Philippines Los Banos (UPLB) Edible Landscaping Team para sa DA-PRES sa Rehiyong MIMAROPA.
Ang integration ng Edible Landscape Garden sa Cashew Eco Park ng DA-PRES ay magsisilbing model/learning site para sa Provincial, City/Municipal Agricultural Offices, barangays at iba pang stakeholders bilang suporta sa layunin ng ating bansa na makamit ang food and nutrition security.
Sa mensahe ni Dr. Fernando C. Sanchez, Jr. Project Leader/Professor ng UPLB ipinaliwanag niya ang konsepto ng Edible Landscape Demo Garden na inilagay sa Cashew Eco-Park.
“Edible Landscaping (EL) as we like to call is basically the combination of the science of crop production and the art or the elements and principles of landscape and garden designing and planning, aims to create attractive environments, functional spaces and source of safe and nutritious food for the households and communities, EL simultaneously promotes and enhances the value of traditional and new methods of crop production suitable for both big and small spaces, rural, urban and peri-urban areas,” kanyang pagpapaliwanag.
Ito na ang pangatlong EL projects sa bansa- ang una ay sa Rehiyon 2 sunod ang Rehiyon 5.
“Ngayong araw ng inauguration ang tanda ng simula ng bago at mas malaking hamon para sa DA-PRES, DA-Regional Field Office, LGU at mga katuwang na ahensya upang ganap na maisakatuparan ang layunin na walang Pilipino ang dapat magutom. Kaya po tara na at mag-edible landscaping tayo!” paghihikayat ni Dr. Sanchez.
Ayon naman kay Assistant Director Joell Lales ng DA-BAR na nakatuon sa pagsasanib, pagtutulungan at partnership (convergence, collaboration and partnership) ng Research at Operation, gayundin ang RFO at LGUs para sa mas malawak at na aangkop na programa tulad ng Edible Landscape Demo Project, ang proyektong ito ay isang napakahalagang hakbangin ng DA sa pamamagitan ng BAR at UPLB, tulad ng nabanggit ng Pangulo at Kalihim ng DA na kailangan nating tiyakin na mayroong pagkain, pagkain na hindi lamang umaasa sa rural production ngunit upang hikayatin din ang mga urban areas na makilahok sa community-based food gardening.
“Ang edible landscaping ay hindi upang magsu-supply ng lahat ng pagkain pero ito ay isang paraan upang madagdagan kung ano ang pangangailangan ng isang komunidad. Ito ay dapat na magsimula sa tahanan kaya dapat na magkaroon ng kaalaman sa mga kabahayan upang mabigyan ito ng mas higit na pagpapahalaga kung palalawakin sa komunidad. Inaasahan namin na sa pamamagitan ng DA-PRES, mas ma-accelerate ang campaign at advocacy sa pamamagitan nitong integration ng Edible Landcaping sa Cashew Eco-Park. Sa hinaharap ay maari itong gawing Agri-tourism at makakuha ng suporta ng pondo sa Agricultural Training Institute (ATI) para sa mas pinahusay na layunin at mas malawak na pagbibigay serbisyo,” kanyang pagbabahagi.
Malugod namang tinanggap ang simbolo sa pamamagitan ng Pala (shovel) ng DA- MiMaRoPa na pinangunahan nina RTD for Operations Dr. Celso C. Olido at RTD for Research and Regulations Vener I. Dilig.
Sa hamon para sa pag-ibayuhin ang pagpapalaganap ng Edible Landscaping Technology para suportahan ang food security sinabi ni RTD Olido na “ang proyektong ito ay maaaring gawin din sa iba pang istasyon ng DA-MiMaRoPa at makakaasa ang DA-BAR at UPLB Edible Landscaping Team na tutugunin ng DA- MIMAROPA ang hamon na maipalaganap ang technology sa mga lunsod at probinsya.
Espesyal na pinasalamatan ng Station Superintendent na si Librada Fuertes ang UPLB at ang DA-BAR sa funding support nito sa mga development projects ng DA-PRES tulad ng proyektong ito. Lubos din ang kanyang pasasalamat sa pagdalo at suporta mula sa DA-Regional Field Office sa pangunguna nina RTD for Operation Dr. Olido at RTD for Research and Regulations Dilig, gayun din sa pagdalo nina Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal, City Agriculturist Melissa Macasaet, APCO Vicente Binasahan, Farm School Operators at sa lahat ng DA stakeholders.
Ang programa ay sinundan agad ng ribbon cutting, unveiling ng Edible Landscaping Marker at pag-ani ng ilang nakatanim na gulay sa loob ng EL Garden.