News and Events

Ilang rice farmers ng OcciMin, Palawan makakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa DA

Ilang rice farmers ng OcciMin, Palawan makakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa DA

Inanunsiyo ni Kalihin Willian D. Dar ng Department of Agriculture (DA) noong nakaraang linggo na makakatanggap ang ilang magsasaka ng palay ng subsidiyang pinansiyal mula sa Financial Subsidy to Rice Farmers (FSRF). Kasama dito ang mahigit 25,000 magsasaka mula sa probinsiya ng Occidental Mindoro at Palawan.

Ang FSRF ay kasama sa Social Amelioration Program na pinatupad ng nasyonal na gobyerno bilang tulong sa mga mahihirap at  informal sector ng bansa, ayon sa Joint Memorandum Circular No. 01 ng taong 2020.

Naglaan ang Kagawaran ng Php134.7-M na pondo para sa dalawang probinsiyang nabanggit kung saan ang bawat isang magsasaka na may sinasakang 1 hektarya o mas mababa pa (sarili man ang lupang sinasaka o hindi) ay mabibigyan ng Php5,000.

Pagpapaliwanag ni Regional Executive Director Antonio Gerundio, matagal ng programa ang FSRF na nakalaan sana para tulungan ang mga probinsiyang malaki ang naging epekto nang nagsimula ang Rice Tariffication and Import Liberalization Law. Sa ngayon, ang FSRF ay nakitang malaking karagdagang tulong para sa mga magsasaka ng palay na limitado ang galaw ngayon dahil sa pinatupad na Enhanced Community Quarantine.

“Occ. Mindoro and Palawan rice farmers were prioritized as recipients of financial subsidy because they were the ones that suffered much economically during last season's fall of palay price. The fund allocation for the purpose was allocated long before COVID 19 pandemic become a major national problem,” pagpapaliwanag ni RED Gerundio. (Ang mga magsasaka ng Mindoro at Palawan ang binigyang prayoridad sa subsidiyang pinansiyal dahil sadyang malaki ang naging epekto sa kanilang kabuhayan ng bumagsak ang presyo ng palay noong nakaraang anihan. Ang pondong ito ay matagal ng nakalaan para sa kanila bago pa man naging malaking suliranin ng bansa ang COVID 19 pandemic.)

Ang pamimigay ng nasabing tulong pinansiyal ay ipapadaan sa Landbank of the Philippines kung saan sila ay mamimigay ng cash card upang dito ipadaan ang perang tatanggapin.

Our rice farmers will receive it as a direct cash transfer that they can use to buy either farm inputs, food for their families or anything they need” ani ni Sec. William Dar sa isang opisyal na pahayag. (Ang ating mga magsasaka ay makakatanggap ng direktang cash transfer na maari nilang gamitin pambili ng mga farm input, pagkain para sa kanilang pamilya o ano man na pangangailangan nila.)

Ibabase ang datos ng mga magsasakang pagbibigyan mula sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na pinatupad noong nakaraang taon ng ahensiya katuwang ang mga Provincial at City/Municpal Agriculture Office (C/MAO) ng bawat bayan.

Inaasahang matatanggap ito ng mga magsasaka ngayong Abril.

Nangako naman ang Kagawaran na hindi lamang ang FSRF ang ibibigay na tulong ng ahensiya para sa mga magsasaka, ipagpapatuloy pa rin ang Rice Farmers Financial Assistance Program sa Oriental Mindoro, pamimili ng palay ng National Food Authority at pinag-aaralan na rin ang Survival and Recovery (SURE-Aid) Program na magpapautang ng walang interes sa mga maliliit na magsasaka.

 

Reference:

Maria Teresa Carido
FSRF Focal Person, Rice Program
Department of Agriculture-MIMAROPA
09391157833

 

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.