News and Events

Ikalawang Rabies Summit, Matagumpay na Naidaos sa Occidental Mindoro
Mula kaliwa papuntang kanan: mga kinatawan ng iba’t ibang mga probinsya sa rehiyong MIMAROPA kasama sina APCO Gerardo Laredo, San Joe Mayor Romulo M. Festin, RTD Panoy, Dr. Lope at Dr. Callanta (gitna).

Ikalawang Rabies Summit, Matagumpay na Naidaos sa Occidental Mindoro

Upang mas lalong mapakalat ang kampanya laban sa epekto ng rabies, naglunsad ang Department of Agriculture MiMaRoPa ng ikalawang Rabies Summit na may temang “Engaging the Challenges of Rabies eradication in MiMaRoPa Region.” Na ginanap sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro noong Setyembre 3-7 2018.

Ang Rabies Summit ay inorganisa ng Livestock program sa pangunguna ni Livestock Program Focal Person Dr. Maria Teresa Altayo, Rabies Coordinator Dr. Jeandeluz Rebocca, Dr. Vida Z. Francisco at mga beterinayo mula sa Mainduque Animal Rescue Center sa pangunguna ng Provincial Veterinarian na si Dr, Josue M. Victoria.

Bilang panimula, nagkaroon ng motorcade na pinangunahan ng mascot na si Super Bantay kasama ang mga delegado mula sa iba’t ibang probinsya ng rehiyon. Lumibot sila sa bayan ng San Jose upang ipaalam sa mga mamamayan ang patungkol sa libreng Spay and Ligation na isasagawa ng mga beterinaryo mula sa Marinduque.

Kasama sa pagdiriwang sina Regional Technical Director (RTD) For Operations Ronie F. Panoy, Dr. Emelinda L. Lopez, National Rabies Focal Person ng Bureau of Animal Industry (BAI), Dr. Maria Elizabeth D. Callanta, Regional Director ng National Meat Inspection Services (NMIS) at Mr. John Earl de Borja ng Department of Health (DoH) na nagbigay ng mga datos ukol sa rabies s buong kapuluan

Dumalo rin sa gawaing ito ang Punong Bayan ng San Jose na si Mayor Romulo “Muloy” Festin na nagbigay ng kanyang mensahe sa mga dumalo at maga kalahok sa mga patimpalak.

“kami po dito sa San Jose ay nagagalak na dito ginanap ang pangyayaring ito dahil mas madaming matutulungan na ukol sa problema sa mga aso, pusa at tao na maiiligtas sa epekto ng rabies.” Aniya.

Bilang panimula, isinalaysay ni Dr. Victoria ang kanilang mga pamamaraan upang maging rabies free ang kanilang probinsya. Wika niya, kinakailangan nilang mag mass shooting of dogs upang makontrol ang populasyon ng mga aso sa kanilang lugar. Inilahad niya na noong una ay di naging maganda ang pagtanggap ng mga tao ukol sa kanilang ginawang pamamaraan. Ngunit katagalan ay natangap na nila ito matapos Makita ang mga resulta ng kanilang mga gawa.

Matapos ni Dr. Victoria ay inilahad naman ni Dr. Lopez ng BAI ang layunin ng ahensiya na maging rabies free ng bansa sa taong 2020. Isinalaysay niya ang pagkakaiba ang epekto ng rabies sa aso at rabies sa tao.

Ayon sa kanya, sa lahat ng rehiyon, ang MiMaRoPa Region ang nangunguna sa pag aksyon ukolsa rabies.

Kaagad sinundan naman ito ng pahayag ni Nurse John Earl B. de Borja ng DoH ukol sa mga updates tungkol sa Rabies Protection and Control Program. Ipinakita din niya ang mga listahan ng iba’t ibang Animal Bite Protection Centers (ABTCs) sa buong bansa.

Ipinahayag niya sa mga mga nakikinig ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga Local Governemnt Units (LGUs) sa pagpuksa sa rabies.

Nangako naman ang kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na si Mr. Edgardo A. Maranan na ang kanilang ahensiya ay sususporta sa eradikasyon ng rabies sa kani-kanilang lugar.

Matapos ang mga kani-kanilang mga pahayag ukol sa Rabies, nagkaroon ng isang open forum kung saan binigyang pansin ang mga pagsubok na kinakaharap ng bawat probinsya sa rehiyon na nasagot naman ng mga pangunahing panauhin.

Upang matimo sa isipan at maihayag angkanilang pakikiisa sa layuning pauksa ang rabies, lahat ng mga dumalo ay nanumpa at pumirma sa commitment board na nagsisilbing katibayan na sila ay kaisa sila sa gawaing ito.

Idinaos din sa Rabies Summit ang Poster Making contest at Quizbee na may tema tungkol sa rabies. Ito ay pinaunlakan ng mga piling mag-aaral bawat probinsya at dalawang siyudad sa rehiyon.

Nakakuha ng kampeonato sa Quiz bee si Nelly Marie Bacomo ng Puerto Princesa City (PPC) National Science High Scool, 1st runner up si Kyra Althea Moreno ng Bognuyan National High School sa Marinduque at 2nd runner up sa nasabing patimpalak si Siegfred Moreno ng Bansud National High School- Regional Science High School ng Oriental Mindoro.

Sa poster making contest naman na tema tungkol sa rabies awareness, nakakuha ng kampeonato si Niña Kim Ashley Roderos ng Adriatico Memorial School Mula sa Calapan City, 1st runner up naman si Mico Mañibo ng Proficio G. Comia Memorial School mula sa Oriental Mindoro at 2nd Runner up naman sina Geoff emerson Tagbago ng Torrijos Cen tral School sa Marinduque at Raena Mara Gabayan ng Manuel Austria Elementary School ng PPC.

Kasama din sa pagdiriwang ang libreng kapon at Ligation sa mga aso at pusa na handog ng Marinduque Animal Rescue center sa pangunguna ng Provincial Veterinarian Dr. Josue M. Victoria. Nag opera din sila ng mga aso na tinubuan ng ibat ibang karamdaman sa katawan.

Ang mga nasabing kaganapan ang nakakumpleto sa 2018 Regional Rabies Summit. ang susunod na Rabies Summit ay gaganapin sa Romblon.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.