News and Events

Higit P23M halaga ng 2022 Wet Season Fertilizer Voucher ipinamahagi sa Palawan
Pamamahagi ng Fertilizer Voucher para sa 2022 Wet Season sa mga bayan ng (L-R, T-B) Aborlan, Brookes Point, Taytay, El Nido, Roxas at Rizal.

Higit P23M halaga ng 2022 Wet Season Fertilizer Voucher ipinamahagi sa Palawan

Patuloy ang pamamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka-MIMAROPA sa pangunguna ng Rice Program ng Fertilizer Voucher para sa 2022 Wet Season. Umabot sa 7,805 benepisaryong magsasaka mula sa mga bayan ng Aborlan, Brookes Point, El Nido, Rizal, Roxas at Taytay, Palawan ang nabahagian nito.

Ang kabuuang halaga ng fertilizer voucher na ipinamahagi ng kagawaran ay P23,408,349.89. Ang mga vouchers na ito ay nagkakahalaga ng P1,131/ha para sa binhing inbred at P2,262/ha naman para sa binhing hybrid. Upang makatanggap ng Fertilizer Voucher kailangan ang magsasaka ay enrolled sa Registry System for Basic Sector of Agriculture o RSBSA at kailangan din na nakaencode ang kanilang pangalan sa Farmers Information Management System o FIMS.

Matagumpay ang mga pamamahaging ito katuwang ang Lokal na Pamahalaan at Municipal Agriculture Office ng bawat bayan. Kapalit ng fertilizer voucher ay makakakuha ng inorganic fertilizer (Urea at 14-14-14 etc) ang mga magsasaka sa mga accredited merchants sa kani-kanilang lugar. 

Samantala, ang iba pang bayan ng Palawan tulad ng Coron, Culion at Busuanga ay nakatakdang magkaroon ng pamamahagi ng Fertilzer Discount Voucher sa buwan ng Nobyembre.

Para sa wet season ngayong taon tinataya na P50,953,787.52 ang kanilang ipapamigay sa probinsya ng Palawan.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa pamamahagi ng Fertilizer Voucher, maaari kayong lumapit sa Municipal Agriculture Office sa inyong lugar.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.