PMED|| Ginanap nitong nakaraang linggo sa Puerto Princesa City ang Harmonization FY 2022 Physical Accomplishment Report and FY 2023 Targets Department of Agriculture sa pangunguna ng Planning and Monitoring Service-Monitoring and Evaluation Division (PMS-MED).
Dinaluhan ito ng mga Planning, Monitoring and Evaluation Division (PMED) ng lahat ng DA-Regional Field Offices, kasama din ang mga kinatawan mula sa National DA Agencies/Bureaus tulad ng Agricultural Training Institute (ATI),Bureau of Agricultural Fisheries and Engineering (BAFE),Bureau of Agricultural Research (BAR),Bureau of Soils and Water Management (BSWM),Bureau of Plant Industry (BPI), Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Agriculture and Fisheries Standards (BAFS), Philippine Rubber Research Institute (PRRI), Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS), Climate Resilient Agriculture Office(CRAO), Special Projects Coordination and Management Assistance Division (SPCMAD).
Sa unang araw ng aktibidad, malugod na tinanggap at binati ng DA-MIMAROPA Regional Executive Director, Engr. Maria Christine C. Inting ang pagdating sa probinsya ng Palawan ng lahat ng mga kalahok. Ayon kay RED Tin, “nawa ay maging makabuluhan para sa lahat ang pagdalo sa programang ito. Katuwang namin kayo para makamit ang mas mataas na produksyon, hindi lang sa ani at kita pati na rin sa pag-abot ng mas maraming kliyenteng magsasaka.”
Ang pambungad na mensahe naman ay nagmula kay Undersecretary for Policy, Planning and Regulation, Mercedita A. Sombilla. Sinabi nya na “Ang gawaing ito ay bilang pagtugon sa marching order sa MED na tumuon sa pagsubaybay sa mga Programa ng DA. Kailangan magkaroon ng harmonization ang mga program at plano upang maiwasan ang duplikasyon sa implementasyon ng mga aktibidad at proyekto. Ang PMS-MED ay inaasahang manguna sa harmonization na ito upang matugunan ang ating commitment sa DA sa ilalim ng Information Systems ng Agriculture and Fisheries Modernization Act (AFMA).”
Upang magkaroon ng harmonization sa FY 2022 Physical Accomplishment Report, ang bawat rehiyon at mga bureau na kalahok sa palatuntunan ay nag-ulat ng kanilang FY2022 Accomplishment at nilahad ang mga plano para sa FY2023 na naaprubahan ng kongreso, kasama ang pagtukoy sa mga plano at target para sa continuing funds. Tinalakay din ang mga resulta at outcome indicators ng mga programa at proyekto na isinasagawa sa bawat rehiyon ng mga proyektong nakalunsad. Ngabigay din ng update at pagtatalakay sa mga issues and concerns ng Planning and M&E counterparts sa mga rehiyon.
Ang buong panahon ng pagsasagawa ng aktibidad na ito ay pinangasiwaan nina Director Michael Sollera, ang OIC ng Planning and Monitoring Service (PMS), Ms. Karen Marte, ang Chief ng Monitoring and Evaluation Division (MED).