News and Events

Halagang higit Php7-M tulong para sa mga magsasaka ng Romblon, pinamigay ng DA-MIMAROPA!
Ang larawan ni G. Aguinaldo Galit, ang pangulo ng Lobton Farmers Corn Growers’ Association ng Brgy. Bagsik, Alcantara, Romblon kasama ang traktorang ntanggap ng kanilang asosayon. malaking tulong ito sakanila upang mas mapabilis ang pag-aani ng kanilang mga mais. Larawan ng: Agriculture Program Coordinating Office- Romblon

Halagang higit Php7-M tulong para sa mga magsasaka ng Romblon, pinamigay ng DA-MIMAROPA!

Naipamahagi na ng Department of Agriculture-MiMaRoPa (DA-MiMaRoPa) ang mahigit 7 Milyong halaga ng mga Makinarya at gamit sa pagsasaka sa mga Farmers’ association sa ibat ibang munisipyo sa probinsya ng Romblon kamakailan.

Ang mga intervention ay mula sa mga Banner programs ng DA- MiMaRoPa Gaya ng Rice, Corn, Livestock, Organic at High Value Crops Development Program (HVCDP).

Nagbahagi ng mga makinarya ang Rice Program tulad ng thresher, traktora, at mga binhi na nagkakahalaga lahat ng P2,796,400.00. Nagpamahagi naman ang Corn Program ng nga pumps and engine at 4WD Tractor nanagkakahalaga lahat ng P1.449 Milyon. Samantala, ang Organic Program naman ay nagpamahagi ng mga kagamitan sa pagoorganiko tulad ng mga Pumps and Engine, Vermi worm, Tiller Cultivator at brush Cutter na nagkakahalaga lahat ng P366,200. Ang HVCDP naman ay nagpamahagi ng mga Plastic Crates,Pump Irrigation System Open Source (PISOS), Banana Seedlings, pataba para sa mga magmamangga, High Definition Polyethylene Pipes (HDPE) at binhi ng kalamansi na nagkakahalaga ng P2,345,791.80 habang ang Livestock Program ay nagpamahagi ng dalawang incubator nanagkakahalaga ng P110,000.

Ang mga asosayon na nakatanggap ng mga tulong mula sa DA-MiMaRoPa ay nakapasa sa mga kwalipikasyon na ginawa ng ahensya para sa mga mabibigyan ng interbensyon.

Ayon kay G. Aguinaldo Galit, lider ng Lobton Farmers Corn Growers’ Association ng Brgy. Bagsik, Alcantara, Romblon at isa rin sa mga nakatanggap ng traktora mula DA-MiMaRoPa, malaki ang pakinabang sa kanila ng traktorang natanggap nila mula sa DA region dahil mas marami silang maseserbisyuhang miyembro at dagdag na din sa kanilang kita ng kanilang organisasyon dahil sa pagpaparenta nito sa mga kasama at mga hindi ka miyembro. “malaki ho talaga ang pakinabang samin nitong traktora dahil mas maseserbisyuhan naming ang aming mga kasama at mas mapapabilis ang pag-ani ng aming mga mais”. Aniya.

Samantala, ang ibang katanggap naman ng mga interbensyon mula sa DA- MiMaRoPa ay ang Bangon Farmers Association ng Brgy. Bangon, Odiongan Romblon; Limon Sur Irrigators Association ng Brgy. Limon Sur, Looc, Romblon; Pangulo Rice Farmers Association ng Brgy. Pangulo, Calatrava, Romblon at at Samahan ng Magsasaka ng Danao Norte (SAMADAN) Brgy. Danao Norte, Sta. Fe, Romblon.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.