News and Events

Gulayan sa Bakuran, inilunsad ng DA sa Calapan

Gulayan sa Bakuran, inilunsad ng DA sa Calapan

Bilang suporta sa Plant Plant Plant Project ni Kalihim Dar at tugon sa pangmatagalang homeyard supply ng agri-commodities sa panahon ng COVID-19, pinangunahan ni Regional Executive Director Antonio Gerundio ang pagsasagawa ng isang homeyard gardening project na “Gulayan sa Bakuran” sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga sektor ng Kagawaran ng Pagsasaka sa MiMaRoPa.

Mula sa mga binhi at iba pang materyales na pinagkaloob ng kagawaran sa pamamagitan ni Agricultural Program and Coordinating Officer Coleta Quindong, sinimulan ang isang proyektong hardin sa Sitio Bokal, Guinobatan noong Abril 25. Magsisilbi itong suplay ng punla para sa mga residente sa Lungsod ng Calapan at karatig bayan ng Oriental Mindoro.

“Maganda itong proyekto para sa mga may gustong magtayo ng sariling hardin sa mga bayan-bayan para pang household consumption,” wika ni APCO Coleta Quindong, “Sayang din naman kung mabigyan ng seeds tapos matatambak kung hindi maitatanim o mapatutubo agad.”

Noong Abril 25, naitanim ang unang batch ng mga binhi; kamatis (800), talong (750), sitaw (500), sili panigang (500), okra (330), kalabasa (250), at upo (350).

Noong Abril 29, itinanim ang pangalawang batch ng mga binhing hot pepper (Taiwan type) (300) at sweet pepper (conical) (300). 

Nitong nagdaang Mayo 2, itinanim ang pangatlong batch ng mga binhing; upo (300), pipino (300), at upland kangkong (500).

“Kung halimbawa ay maextend ang quarantine sa ating lalawigan, ina-advise ko po na patuloy na alagaan ang mga matured na pananim upang patuloy din itong pakinabangan,” banggit ni Science Research Specialist II Genesis Castro na direktang namamahala ng nasabing hardin kasama si Agriculturist I Katherine Castro na siyang nakasuporta sa anumang pangangailangan sa nasabing proyekto.

Nakatalang ipapamigay ang unang batch ng mga punla sa Mayo 6 sa Sta. Maria at Lumangbayan at asahang sunod-sunod na ang pamimigay bawat linggo sa iba’t ibang barangay ng Calapan. Mangyari lamang na makipag-ugnayan sa inyong punong barangay sa mga anunsyong manggagaling sa Kagawaran ng Pagsasaka.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.