News and Events

Groundbreaking ng state-of-the-art rice processing complex at blessing ng refrigerated van, naisagawa sa Sablayan, Occidental Mindoro
Ceremonial groundbreaking ng itatayong rice processing complex (RPC) sa pangunguna nina Sablayan Mayor Walter Marquez at Planters Agri Trading and Logistics Corp. (PALTC) CEO Ranilo Maderazo, kasama sina (kaliwa-kanan) OIC-RED Engr. Ma Christine Inting, OIC- PA Engr. Alrizza Zubiri, APCO Eddie Buen, Sablayan Vice Mayor Edwin Mintu, OIC-RTD for Operations Dr. Celso Olido at SB member Junjun Ventura.

Groundbreaking ng state-of-the-art rice processing complex at blessing ng refrigerated van, naisagawa sa Sablayan, Occidental Mindoro

Pinangasiwaan ng Department of Agriculture-MIMAROPA Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) at Farm at Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) Program, kasama ang Planters Agri Trading and Logistics Corp. (PALTC) at ng Lokal na Pamahalaan ng Sablayan, Occidental Mindoro ang groundbreaking ng rice processing complex (RPC) at pagbabasbas sa bagong refrigerated van. Ginanap ito sa Brgy. Sto Niño, ika-24 ng Enero taong kasalukuyan.

Ang RPC na nagkakahalaga ng P300 milyon at sinasabing state-of-the-art ay may sukat na isang ektarya at kapapalooban ng mga makabago at dekalidad na post-harvest facility and equipment para sa paglilinis, pagpapatuyo, paggiling, pag-iimbak ng palay mula pa sa ibang bansa. Kaya nitong mag-proseso ng 15,000 metriko toneladang (MT) tuyong palay kada taon at tinatayang mapakikinabangan ang pasilidad ng nasa 1,000 magsasaka na ikaka-cluster sa bayan katuwang ang F2C2.

Naisagawa ang proyektong ito sa pamamagitan ng isang Public-Private Partnership (PPP) sa inisyatibo ng DA-AMAD at F2C2 sa paghahanap ng mga potensyal na investors gaya ng PALTC, na makakatulong upang maipatayo ang mga malaking pasilidad na may updated na mga operational system kagaya ng RPC.

Binahagi ni Ranilo Maderazo, CEO ng PALTC, na ang layunin ng proyektong ito ay maging malaking tulong sa mga magsasaka upang maibsan ang kanilang hirap pagdating sa post-harvest processing ng kanilang mga aning palay. Nais din nilang mamimili ng palay at bigas bilang karagdagang tulong sa mga magsasaka.

“Sa mga magsasaka po na nais pong mabenta ng kanilang bigas ay kami na din po ang bibili at isasabay din po namin sa pagbili ng NFA upang mas tumaas ang kita ng mga magsasaka,” kanyang binahagi mula sa kanyang mensahe.

Kanya niya ring sinabi na maaari rin magkaroon ng karagdagang pasilidad ang Sablayan para naman sa mga mangingisda.

Nabanggit pa ni OIC-Regional Technical Director for Operations Dr. Celso Olido na ang proyektong ito ay ang kauna-unahan sa bansa dahil sa mga makabagong teknolohiya kakapaloobin ng RPC. Malapit na rin ito sa maraming magsasaka ng palay na hindi na kakailanganin bumayahe ng malayo para magpagiling at magpatuyo ng kanilang mga ani.

Samantala, ang refrigerated van na nagkakahalaga ng P3.2 milyon ay nagmula sa Enhnaced Kadiwa Program at ipinagkaloob sa lokal na pamahalaan ng nasabing bayan. Kaya nitong makapagpadala ng mga frozen na karne at mga produktong pangisdaan tungo sa malalayong lugar na hindi nasisira ang kalidad. Ayon sa LGU ito ay kanilang gagamitin sa kanilang fish landing facility.  

Pasasalamat ang ipinaabot ni Mayor Walter Marquez sa natanggap nilang tulong mula sa kagawaran. Aniya, malaking katulungan ito para sa mga magsasaka at mangingisda ng Sablayan dahil mababawasan na ang kanilang gastusin. Bukod pa rito ay magkakaroon pa ng kita ang munisipyo dahil sa renta na matatanggap nila mula sa RPC.

Nagpaabot din SI OIC-Regional Executive Director Engr. Ma. Christine Inting ng kanyang pasasalamat sa mga naging katuwang ng DA-MIMAROPA at sa aktibong pakikiisa ng mga taga-Sablayan upang maisakatuparan ang proyekto. Siya rin ay umaasa na marami pang mga PPP ang maisagawa sa rehiyon para sa ikauunlad ng sektor ng agrikultura.

Dumalo rin sa nasabing kaganapan sina Agricultiral Program Coordinating Offiecr Eddie Buen ng Occidental Mindoro, Provincial Agiculturist Engr. Alrizza C. Zubiri, at Vice Mayor Edwin Mintu ng nasabing bayan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.