News and Events

Groundbreaking ceremony para sa dalawang onion cold storage facility sa OcciMin, isinagawa
Pagbubungkal ng lupa bilang hudyat ng pagsisimula ng pagpapatayo ng onion cold storage facility sa Rizal, Occidental Mindoro. (Kaliwa-kanan) Jehu Michael O. Barrientos, Municipal Agriculturist; Rev. Fr. Thaddeus Teaño, officiating priest; Engr. Bien O. Daquis, REFTEC Project Manager; Bristan A. Montales , Chairman, Salvacion United Farmers Multi- Purpose Cooperative(SUFMPC); Engr. Maria Christine C. Inting Regional Executive- DA- Mimaropa; Ernesto C. Pablo Sr., Mayor, Rizal; Renie B. Madriaga, OIC APCO/ Focal person High-Value Crops Development Program (HVCDP); OPA/ OIC PA Alrizza Zubirri; Vice Mayor , Marcelino Dela Cruz.

Groundbreaking ceremony para sa dalawang onion cold storage facility sa OcciMin, isinagawa

Dalawang magkasunod na ground breaking ceremony ang isinagawa ng Department of Agriculture-MIMAROPA kasama ang mga lokal na pamahalaan sa Occidental Mindoro bilang hudyat ng pagsisismula ng pagpapatayo ng onion cold storage facility sa mga bayan ng Rizal at Sablayan, unang araw ng Agosto, 2023.    

Unang, isinagawa ang groundbreaking ceremony ng na nabanggit na pasilidad sa barangay Salvacion, Rizal, Occidental Mindoro. Ito ay may kapasidad 20,000 onion bags ng sibuyas at may kabuuang halagang  Php40 million mula sa Department of Agriculture-MIMAROPA Region na kung saan ang pondo ay mula sa  High- Value Crops Development Program (HVCDP) at ipinagkaloob sa Salvacion United Farmers Multi-Purpose Cooperative (SUFMPC) mula sa Rizal, Occidental Mindoro.

Ito ay isang proyekto ng Department of Agriculture upang matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas  na maiimbak ng maayos ang kanilang ani at mapanatili ang kalidad nito habang hindi pa naibebenta o nailalabas sa merkado.

“Ngayon ay sigurado nang itatayo dito ang ating cold storage, hindi na tayo mabubulukan ng sibuyas at maibebenta na natin sa tamang presyo ang mga ito,” pahayag ni Mayor Ernesto C. Pablo Sr.

Pinaalalahanan naman ang mga miyembro ng SUFMPC na tangkilin at ingatan ang ipapatayong Cold Storage Facility para mas maraming magsasaka ng sibuyas ang makinabang.

“Ang pangarap naming mga magsasaka na magkaroon ng ganitong kalaking proyekto ay natupad na. Maisasakatuparan na at makakatulong sa maraming nagtatanim ng sibuyas dito po aming bayan. Ito po ay aming iingatan. Sa mga miyembro po ng ating Kooperatiba dapat po ay tangkilikin natin itong Cold Storage upang mapanatili itong maayos,” ani ni Bristan A. Montales, Chairperson ng SUFMPC.

Inaasahan din na lalo pang tatatag ang samahan ng kooperatiba dahil sa binigay na ito ng DA.

“Kaya po ito ay napunta sa inyo dahil nakita rin na maganda ang pamamahala ng kooperatiba at napakalaki na po ng inyong kooperatiba. Ang aking hiling sa inyo, sana po ito ang magbuklod sa inyo at lalong palakasin ang samahan ng bawat isa. Ito ay isang pakita lang na bigyan natin ng prayoridad yung ibang miyembro na walang kakayahan mag biyahe ng sibuyas sa ibang lugar. Sana ang maging mithiin ng kooperatiba ay walang maiwan na miyembro at sama-sama kayong aangat,” panawagan ni OPA OIC-Provincial Agriculturist (PA) Alrizza Zubiri.

Ang groundbreaking ceremony na ito ay pinangunahan nina Regional Executive Director Engr. Maria Christine C. Inting, OIC-APCO at HVCDP Focal Person Renie B. Madriaga, OPA OIC-PA Engr. Alrizza  Zubiri, Mayor Ernesto Pablo Jr., Vice Mayor Marcelino Dela Cruz, Municipal Agriculturist Jehu Michael Barrientos, Rev. Father Thaddeus Teaño, Engr. Nien Daquis ng REFTEC Industrial Supply and Services, Inc. Project Management, Engr. Mark Alvin Almazan, at SUFMPC Chairperson Montales.  Ginanap ito sa Brgy. Salvacion, Rizal, Occidental Mindoro kumakailan ng Agosto.

Ginanap na groundbreaking ceremony of cold storage may halagang Php 40 milyon sa Paetan, Sablayan, Occidental Mindoro. (Kaliwa-kanan) Engr. Prince Jonnel D. Falla, RAED; Engr. Bien Oliver Daquis REFTEC Project Manager; OPA/ OIC PA Alrizza Zubirri; Livelyn F. Castillo, Chairperson Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Mutli- Purpose Cooperative (SAGUTT MPC); Engr. Maria Christing C. Inting Regional Executive Director DA- Mimaropa; Municipal Administrator Norman Nubio; OIC APCO/ Focal person HVCDP Renie B. Madriaga; Marilou Maycong, Manager SAGUTT MPC; Peter Galinera, Senior Agriculturist, Sablayan

Samantala, ginanap ang kaparehong aktibidad sa Paetan, Sablayan, Occidental Mindoro kung saan ay itatayo din ang isang cold storage facility na nagkakahalaga rin ng PhP40 milyon at may kapasidad rin na 20,000 bags ng sibuyas  na ipagkakaloob sa Samahang Gumagawa Tungong Tagumpay Multi-Purpose Cooperative (SAGUTT MPC).

Ayon kay Municipal Administrator Norman Nubio ang pagpapatayo ng facility na ito ay bunga Value Chain Analysis (VCA). Itatayo ang Cold Storage na ito upang ma-preserve ang quality ng onion produce at maitaas ang kita ng magtatanim ng sibuyas.

“Ang SAGUTT MPC po ay patuloy na nag-aaral para lahat ng commitment namin sa gobyerno ay aming magawa para lahat ng pangarap ng miyembro at ng kooperatiba ay makamit po namin. Sana po hindi lang ang kooperatiba ang yumaman pati po ang mga miyembro. Kaya po ang aming kooperatiba ay patuloy na nangangarap hindi lamang po sa aming sarili kung hindi para po sa komunidad ng Sablayan at buong Occidental Mindoro,” sambit ni Livelyn F. Castillo , Chairperson ng SAGUTT MPC.

Hinihikayat din ni RED Inting ang mga magsasaka na mas lalo pang pagbutihin ang pagtatanim ng sibuyas upang dumating ang araw na tayo ay makapag-export sa ibang bansa.

“Kung ang mga Kooperatiba ay may pangarap, kami din po sa rehiyon ay may pangarap rin. Sa ngayon, ay ginagawan na namin ng paraan na makapag-export tayo ng sibuyas sa ibang bansa. Gaya ng bagong mandato ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Masaganang Agrikultura! Maunlad na Ekonomiya!

Ang proyekto ito ay bahagi ng programa ng Department of Agriculture sa pamumuno ng ating Pangulong Bongbong Marcos para mas mapagtibay ang food security ng ating bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na suplay at sapat presyo ng pagkain.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.