News and Events

Germplasm Collection Project ng PRES sinimulan na para sa pagpapaunlad ng industriya ng kawayan sa Palawan
Bilang hudyat ng simula ng Germplasm Collection Project ng Palawan Research Experiment Station (PRES) ng Kagawaran ng Pagsasaka-Rehiyon ng MIMAROPA, nagkaroon ng Bamboo Ceremonial Planting sa Palawan Agricultural Center (PAC), Brgy. Irawan, Puerto Princesa City, Palawan.

Germplasm Collection Project ng PRES sinimulan na para sa pagpapaunlad ng industriya ng kawayan sa Palawan

PUERTO PRINCESA CITY --- Sinimulan na ng Palawan Research Experiment Station (PRES) ng Kagawaran ng Pagsasaka sa Rehiyon ng MIMAROPA ang Germplasm Collection Project bilang pagpapaunlad sa industriya ng kawayan sa Puerto Princesa City at Lalawigan ng Palawan.

Bilang pormal na pagbubukas nito, nagkaroon ng Bamboo Ceremonial Planting sa loob DA-Palawan Agricultural Center (PAC) sa Brgy. Irawan, sa nasabing lungsod nitong ika-29 ng Hulyo.

Ang taniman sa loob ng PAC ay magsisilbing resource house for propagation at genebank ng iba’t ibang uri o specie ng kawayan na makokolekta mula sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Ito ay  gagamitin sa mga pananaliksik sa pagpapalawak ng kaalaman sa produksiyon nito at iba’t ibang  potensiyal at pakinabang nito pang-ekonomiya man o pangkalikasan. Pagpapalawig din ito sa adhikain ng pamahalan na mapanatili at mapangalagaan ang likas yaman ng ating lupain at kapaligiran.

Ang proyektong ito ay inaasahan din na magkakaroon ng malaking ambag sa pagtataguyod ng Bamboo Development Program sa Lungsod ng Puerto Princesa at sa Lalawigan ng Palawan.

Ang Bamboo Ceremonial Planting activity ay pinangunahan ng DA MIMAROPA Regional Executive Director, Antonio G. Gerundio, Regional Technical Director, Engr. Elmer T. Ferry, RTD for Operations at DA-PRES Agricultural Center Chief III, Librada L. Fuertes. Nakipagkaisa din at nagbigay ng kanilang mensahe sa aktibidad na ito ang mga lider mula sa grupo ng Bambusa Princesa at iba’t ibang ahensya ng Pamahalang Lungsod ng Puerto Princesa na sumusulong sa Bamboo Industry Development Program.

Binahagi ni City Agriculturist Melissa U. Macasaet na ang Lungsod ng Puerto Princesa ay may mga sinisimulan ng  mga gawain upang mabalangkas ang Bamboo Development Roadmap na magiging gabay nila upang matagumpay na maisulong ang Bamboo Industry sa Lungsod. Sa tulong din ng USAID Surge ay may mga isinasagawang mga virtual na pagsasanay patungkol sa kawayan.

Ayon  kay Atty. Carlo Gomez ng City Environment and Natural Resources Office napakahalaga ng proyektong ito para sa environmental protection.

“Kami po sa City Enro ay lubos na sumusuporta dahil sa proteksyon na maibibigay at tulong sa ating taong bayan,” wika niya.

Ang makabuluhang  mensahe naman ni Dr. Carlos Fernandez, dating DA Undersecretary ay nakatuon sa pakinabang ng susunod na henerasyon.

"Mayroong makikita at mapapakinabangan ang ating mga kabataan at tiyak na kanilang ipagmamalaki at magpapasalamat," kanyang pagbabahagi.

Samantala, binahagi ni Regional Executive Director (RED) Antonio G. Gerundio na ang proyektong ito  ay katuparan ng direktiba ng Kalihim ng Kagawaran ng Pagsasaka, William D. Dar. Dahil sa maraming maaaring gawin gamit ang kawayan katulad ng panggatong, kasangkapan sa bahay, tela , pagkain at iba pa ay marapat lamang na simulan na ang proyektong ito para pangkaragdagang kabuhayan ng mga magsasaka, ayon sa kanya

Dagdag pa niya, "kailangan malinaw ang patutunguhan ng proyektong ito sa pagbibigay proteksyon sa environment at pagtulong sa ating mga magsasaka nang naayon sa road map".

Hinikayat naman ni  RTD Elmer T. Ferry ang mga ahensiya na patuloy na magsama-sama upang maging matagumpay ang proyektong ito sap ag-abot ng masaganang ani at mataas n akita.  

Bilang pangwakas na pahayag, sinabi ni Vice Mayor Maria Nancy M. Socrates na ang Pamahalaang Lungsod ng Puerto Pricesa ay lubos na nagpapasalamat  sa Kagawaran ng Pagsasaka sa simulaing ito na nagkaroon ng bamboo project sapagkat malaki ang maitutulong nito sa Lungsod ng Puerto Princesa.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.