Alinsunod sa itinalagang Memorondum Circular (MC) No. 06 (http://www.da.gov.ph/wp-content/uploads/2020/03/mc06_s2020.pdf) ni Kalihim William Dar ng Kagawaran ng Pagsasaka, makikita sa taas ang mga listahan ng tanggapan na tumatanggap ng mga aplikasyon para sa Food Pass na kailangan ng mga nagdadala ng suplay ng pagkain at ibang pang produktong agrikultura.
Ang Food Pass ay itinalaga ng Kagawaran ng Pagsasaka upang hindi maantala ang biyahe ng mga suplayer papunta sa merkado sa panahon na kung saang mayroong “Enhanced Community Quarantine” sa buong Luzon dahil sa COVID-19.
Kaya naman pinapakiusapan ng Kalihim ang mga lokal na pamahalaan na abisuhan ang mga awtoridad sa mga checkpoints na huwag antalain ang mga trak at mga sasakayng magdadala ng pagkain sa mga bayan kung ito ay mayroong ng Food Pass mula sa Kagawaran.
Dagdag pa rito, naglabas din siya ng anunsiyo sa paraan ng MC No. 09, na nagpapalawig ng Food Resiliency Protocol, na payagan ang mga magsasaka, naghahayupan at iba pang nagtatrabaho (farm workers) sa bukid na ipag-patuloy ang kanilang pagtatrabaho at mga mangingisda na pumalaot upang tuloy-tuloy lamang ang suplay ng pagkain.
Dahil aniya, sa panahong ito, ang banta sa kakulangan ng pagkain ay katumbas ng banta ng COVID-19.
“Even those who survive this virus will have to face the following: lack of food, and non-existent food production and producers. Food does not appear like magic. It is sourced from various raw materials, which are produced by the hardworking farmers and farm workers. However, most of them are now locked down in their homes and prevented from crossing checkpoints. Who will produce and make food now?” kanyang pagpapaliwanag na naisulat sa artikulo ng Kagawaran.
Upang maiwasan din ang pananamtala sa presyo ng mga bilihin, nagtalaga rin ang kagawaran ng 60 araw na price freeze katulong ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI).