News and Events

First Quarter Assessment ng Disaster Recovery Programs ginanap sa Lungsod ng Puerto Princesa City

First Quarter Assessment ng Disaster Recovery Programs ginanap sa Lungsod ng Puerto Princesa City

Sa pagsisikap na suriin ang epektibong disaster recovery initiatives at maitakda ang mga susunod pang mga gawain para sa taong 2024, nagsagawa ang Department of Agriculture (DA) ng First Quarter Assessment ng mga Programa, Proyekto, at mga aktibidad na pinondohan sa ilalim ng Quick Response Fund (QRF) at National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), kamakailan.

Ang aktibidad na ginanap  sa Lungsod ng  Puerto Princesa City ay dinaluhan ng mga pangunahing stakeholders mula sa iba’t ibang sangay ng DA, kabilang ang DA Central Office-Field Operating Service, DRR Focal at Report Officers mula sa DA Regional Field Offices (RFO), at mga kinatawan mula sa DA Bureaus at attached agencies.

Ang pangunahing layunin ng pagtatasa ay suriing mabuti ang epekto ng mga programa sa rehabilitasyon at pagbawi sa pangkalahatang pananaw ng departamento. Kasama sa mga partikular na layunin ang pagpapakita  ng FY2022-2023 at FY 2024 First Quarter Physical and Financial Accomplishment Report, pagtalakay sa implementasyon ng iba't ibang mga proyekto sa rehabilitasyon at recovery, at pag-update sa kalagayan ng mga gabay na nagpapamahala sa paggamit ng Quick Response Fund.

Sa pagtatapos ng programa, nagbigay ng mensahe si Agricultural Center Chief Librada L. Fuertes mula sa DA- Palawan Research and Experiment Station, binigyang diin nya ang kahalagahan ng Department of Agriculture Disaster Risk Reduction and Management Service (DA-DRRMS), ayon sa itinakdang Administrative Order No. 06, series of 2020. Itinuon nya ang kanyang mensahe sa mahalagang papel ng serbisyong ito hindi lamang sa pagtugon sa mga kalamidad kundi pati na rin sa proactive na pagbawas ng mga panganib, pagtulong sa recovery, at pag-address sa mga pangangailangan ng sektor ng agrikultura.

Pinuri din niya ang mga dumalo sa kanilang dedikasyon at binigyang-diin ang kahalagahan ng bagong itinatag na serbisyo, tinawag nya itong "ang serbisyo na may puso" dahil sa kanilang pagbibigay panahon at suporta sa mga biktima at mga pinakamahihirap na sektor sa panahon ng krisis at sakuna.

Bilang konklusyon, ang First Quarter Assessment ay nagsilbing plataporma para sa pagsusuri, pakikipagtulungan, at estratehikong pagpaplano para mas pataasin ang commitment ng DA sa disaster resilience at sustainable agricultural development. Habang ang bansa ay patuloy na humaharap sa mga hamon na dulot ng mga natural na kalamidad, ang mga naturang hakbangin ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mas matatag na komunidad at pagtiyak ng seguridad sa pagkain para sa lahat ng Pilipino.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.