News and Events

Diskwento Caravan sa Fuel at Fertilizer, patuloy na isinasagawa sa  Occidental Mindoro
Larawan ng pamamahagi ng Php 3,000 Fertilizer Discount Voucher sa mga magsasaka ng mais at balinghoy mula sa mga bayan ng Magsaysay, San Jose, Rizal, Calintaan, Sta. Cruz, Sablayan, Mamburao,at Abra de Ilog.

Diskwento Caravan sa Fuel at Fertilizer, patuloy na isinasagawa sa Occidental Mindoro

Patuloy na isinasagawa ng Department of Agriculture-MIMAROPA ang pamamahagi ng diskwento para sa krudo at abono sa mga magsasaka ng mais at balinghoy sa probinsiya ng Occidental Mindoro.

Higit Php1.9-milyon halaga ng fuel discount ang naipamahagi ng Kagawaran ng Pagsasaka – MIMAROPA sa mga magsasaka ng mais at balinghoy sa probinsya ng Occidental Mindoro. Ito ang kauna-unahang pamamahagi ng fuel discount card sa probinsya na naganap noong ika-12 hanggang ika-15 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ang fuel discount card, na naglalaman ng Php3,000.00, ay naglalayong matulungan ang mga magsasaka ng mais at balinghoy at mga mangingisda na gumagamit ng makinarya na mabawasan.

Umabot sa 655 na magsasaka ang nakatanggap ng ayuda mula sa mga bayan ng San Jose (4), Magsaysay (13), Calintaan (25), Sablayan (498), Mamburao (65), Abra de Ilog (34), Sta. Cruz (13) at Rizal (3).

Samantala, umabot sa Php 1,182,000.00 ang naipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)  sa 394 na mangingisda mula sa bayan ng Sablayan (168), Calintaan (26) at San Jose (99).

“Hindi man po kalakihan ang tulong pinansyal na maibibigay sa fuel at fertilizer, ito po ay malaking bagay na upang maka-discount kayo at makabawas sa high cost of production,” sabi ni OIC – Regional Executive Director (RED) at Regional Corn and Cassava Focal Person Engr. Ma. Christine C. Inting.

Paalala rin ni OIC-RED Inting na gamitin lamang ang discount card at voucher sa pagbili lamang ng fuel at fertilizer upang hindi maalis sa listahan at patuloy na makatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Maaring gamitin ang discount card sa mga accredited na gasolinahan na may Point-of-Sale (POS) Terminal o tumatanggap ng Bancnet o Visa Card sa kanilang lugar.

“Hindi man po ito [fuel discount] sapat pero buong puso po kaming nagpapasalamat kasi nakasama kami sa mga benepisyaryo. Sabi nga natin kulang ang mga natatanggap natin pero malaking tulong pa rin ito lalo na ngayon na sobrang mahal ng fuel,” pasasalamat ni Gng. Jenife N. Buay, miyembro ng Mindoro Progressive Multi-purpose Cooperative, mula sa Brgy. Balansay, Mamburao, Occidental Mindoro.

Patuloy pa ring hinihikayat ang lahat ng magsasaka na magparehistro sa Registry System for Basic Sector in Agriculture (RSBSA), o kaya’y magpa-update kung rehistrado na, at sumali sa mga asosasyon at kooperatiba upang patuloy na makatanggap ng ayuda mula sa kagawaran.

Pamamahagi ng Fertilizer Voucher

Kasabay ng pamamahagi ng Fuel Discount Card ay ang patuloy na pamimigay ng fertilizer voucher sa mga rehistradong magsasaka ng mais at balinghoy.

Umabot sa Php538,000 halaga ng fertilizer voucher ang naipamahagi sa 269 na magsasaka mula sa mga bayan ng San Jose (66), Rizal (62) at Sta. Cruz (141).

Ang voucher ay naglalaman ng Php 2,000.00 na maaari lamang magamit sa pagbili ng abono sa mga accredited na tindahan ng agricultural supply sa kanilang bayan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.