Nakatanggap ng" African Swine Fever Indemnification release under the Quick Response Fund" mula sa Department of Agriculture -MIMAROPA ang 24 na katutubong Buhid Mangyan mula sa Brgy. Monteclaro, San Jose Occidental noong ika-15 ng Oktubre,2024.
Bawat nabigyan ay nakatanggap depende sa mga baboy na kanilang kusang loob na ibinigay upang isama sa depopulation sa kanilang lugar na naapektuhan ng ASF virus.
Kada isang baboy ay katumbas ng limang (5) libong piso ang halaga.
Ayon kay G. Rommel G. Calingasan, ang Municipal Agriculturist ng San Jose, malaking tulong itong programa na ito ng pamahalaan sa mga taong hindi nakapagseguro ng kanilang mga baboy bago pa man pumutok ang ASF sa kanilang lugar. “Malaking bagay na po para sa mga magbababoy lalo na sa ating mga katutubong mangyan ang halagang natanggap nila upang makapagsimula muli sa pag-aalaga ng hayop maliban sa baboy upang magkaron ulit ng pangkain", dagdag pa niya.
Ipinaliwanag din ni G. Artemio Casareno ng Regulatory Division ang pagkakaroon ng ganitong programa ng pamahalaan. Aniya, "dahil na din sa mga livestock raisers na hindi nakarehistro sa PCIC na mga baboy ngunit kusang loob na ibinigay ang baboy nila upang idepopulate kaya nagkaroon ng ganitong programa at upang matulungan din sila na makapagsimula sa kanilang paghahayupan".
Pinaalala din ni Casareno na hindi muna maaaring mag-alaga ng baboy ang mga lugar na naapektuhan ng ASF virus dahil maaari pa din itong makahahawa sa mga bagong alagang baboy. Hinikayat din niya na maaari rin naman silang mag-alaga ng ibang hayop gaya ng kambing, baka at manok upang magkaroon sila ng pangkain at pagkakakitaan.
Nagpasalamat naman si G. Yagay Sebastian, nakatanggap ng ayuda na may halagang 10 libong piso dahil sa kusan loob na pagbibigay niya ng baboy ay mahalaga sa kanila ang baboy dahil parang anak na din ang turing nila dito at madalas nila itong ginagamit sa kanilang mga ritwal at mga okasyon. “Maraming salamat po sa DA MIMAROPA sa natanggap namin na ayuda na limang libong piso kada baboy. Malaking tulong po ito sa akin dahil kailangan po ito ng anak ko sa kanyang pag-aaral", sabi ni Yagay.
Naging matagumpay ang gawaing ito sa tulong na din ng DA MIMAROPA staff na sina Ruby Goce, Hans Ampatuan at Christian Fabic kasama ang kinatawan ng Livestock Program na si Charmie Machon na nanguna sa pamimigay ng mga tulong sa mga maghahayop. Kasama din ang Pamahalaang Brgy, Monteclaro sa pangunguna ni Kap. Angeles Bermudez at kayang mga kasama.