News and Events

DA – RIARC sa OrMin, GAP certified na, Organic pa
Pakikipanayam ng PhilGAP inspection team kay Agriculturist I Mark Opeña ukol sa vegetable production area

DA – RIARC sa OrMin, GAP certified na, Organic pa

Bilang katibayan ng siguradong kalidad at tamang pag-aaruga sa kapwa manggagawa, magsasaka, at iba pang partner clients, sumailalim ang Regional Integrated Agricultural Research Center (RIARC) ng Kagawaran ng Pagsasaka – MIMAROPA sa sertipikasyon at akreditasyon ng Good Agricultural Practices (GAP) nitong Setyembre 16.

Layunin ng Philippine Good Agricultural Practices (PhilGAP), isang government certification program, na siguruhing ligtas ang agrikultural na proseso at mga produkto ng isang institusyon para sa mga konsumer at mamimili nito ayon sa apat (4) na modules; food safety, environmental management, workers’ health and safety, at produce quality.

“In addition naman dun, pagdating sa access sa market, ang hinahanap nila ay certified GAP in terms of integration yung farm o yung product na kanilang bibilhin for the purpose of food security and food safety,” wika ni Ailene Galvez na mula sa PhilGAP inspection team.

Nagsagawa ang inspection team ng ebalwasyon sa iba’t ibang pasilidad ng High Value Crops tulad ng organic vegetable production, storage areas, orchards, at farm machineries. Patuloy din nilang sinunod ang health protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at physical distancing habang nakikipanayam sa mga tauhang nakatalaga sa bawat area.

Ayon kay Agricultural Center Chief (ACC III) Coleta Quindong, “Thanks God, according to their evaluation, 100% kaming passed so napakalaki ng impact nito sa production ng lahat ng aming commodities – crops, rice, corn, planting materials and vegetables and other high value.”

Binigyang diin din niya ang kahalagahan ng pagiging GAP certified kung saan sila ay magiging huwaran para sa iba pang institusyon at magsasaka at lalo pang lalakas sa kanilang mga clients sapagkat kapag sinabing GAP certified at organically-grown, napakalaki ng bentahe ng kanilang produkto kahit ito man ay for export quality.

Dagdag ni Center Chief, “…naging madali sa amin ang naging preparation ng GAP kasi kami ay organically-grown na. Ang kaibahan lang dun sa organic, naglagay kami ng mga comfort rooms sa mga field so mayroon na kami ngayong CR sa farm sa sorghum and corn areas na dati ay wala – which is very important para dun sa mga magtatrabaho na kung kailan kakailanganin nila, mayroon silang mapupuntahan.”

Agricultural Center Chief III Coleta Quindong at ang PhilGAP inspection team

Ang grupo na nagsagawa ng ebalwasyon ng PhilGAP sa DA – RIARC ay sina GAP Inspectors Ailene Galvez at Kevin Quiñones, GAP Secretariat Kenneth Pabelico at Regulatory Staff Peter Gallinera at Arjay Burgos.

Congratulations sa pamunuan at mga empleyado ng DA – RIARC sa pangunguna ni Engr. Coleta Quindong.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.