News and Events

DA-RIARC, Nagdaos ng Ika-48 na Taon ng Pagkakatatag
Ang ribbon-cutting ceremony na hudyat ng pormal na pagsisimula ng Grand Field Day na pinagunahan nina (L-R) APCO Colete Quindong, RTDLouella Lorenzana, RTD Ronie Panoy, Vice Mayor Mel N. Callo at Provincial Agriculturist (PA) Christine Pine

DA-RIARC, Nagdaos ng Ika-48 na Taon ng Pagkakatatag

Nagdaos ng ika- 48  na anibersaryo ng pagkakatatag ang Kagawaran ng Pagsasaka- Regional Intergrated Agriculture Research Center  (DA-RIARC) na may temang: Makisaya, matuto sa      “Farm Mechanization” na naglalayong  maipakita sa mga magsasaska ang kahalagahan ng farm mechanization sa modernong panahon at maipakita ang mga makabagong teknolohiya sa pagsasaka. Ito ay ginanap noong ika-3 ng Mayo, 2018 sa Alcate, Victoria, Oriental Mindoro.

Itaas: Palay seed Bodega. Ibaba: Vegetable seed Bodega

Kaalinsabay ng pagdiriwang na ito ang pagpapasinaya sa dalawang (2) bagong pasilidad sa DA-RIARC: ang Palay Seed Bodega na nagkakahalaga ng P4.175 M at  Vegetable Seed Bodega na nagkakahalaga ng mahigit P600,000.00.

Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan nina Regional Director Antonio G. Gerundo, Regional Technical Director (RTD) for Operations Ronie F. Panoy, RTD for Research and Regulations Dr. Louella Rowena J. Lorenzana, Farmer-Director at Regional Agriculture and Fisheries Council (RAFC) Chairman Melquiades Macalintal, Agriculture Program Coordinating Officer (APCO) Engr. Coleta Quindong.

Kasama din na nagpaunlak na dumalo sa pagdiriwang ang pangalawang punong bayan ng Victoria na si Vice Mayor Mel N. Callo na nagbigay ng maikling mensahe sa mga dumalo sa grand field day. “marami kayong matutuanan at pwedeng pakinabangan sa paglibot nyo rito sa istasypon na ito”. Ayon kay Callo.

Nagkaroon din ng mga turn- over ng 88 Horsepower na mga Combined Harvester na ngakakahalaga ng P1.680 milyon. Ang mga benepisaryo ng mga nasabing kagamitan ay ang MAFDECO (Mansalay Agriculture and Fisheries Development Cooperative at BALPAN (Balite-Papandungin Irrigators Association).

Ang Field Day ay dinaluhan din ng mga magsasaka mula sa iba’t ibang munisipyo ng probinsya ng Oriental Mindoro gaya ng San Teodoro, Bulalacao, Bansud, Baco, Puerto Galera, Bongabong, Naujan, Roxas, Victoria, Pinamalayan, Pola, Mansalay, Gloria at Calapan City.

Ipinamalas ng mga Banner program ang kanilang mga ibinibidang commodity sa pamamagitan ng cooking demo na pinangunahan ni Engr. Ma. Christine Inting para sa Corn program at DA-RIARC personnel para sa kabute.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang mga kalahok na makita ang iba’t ibang pasilidad at kagamitan ng istasyon gaya ng demonstrasyon ng paggamit ng transplanter at combined harvester, farm house, precision seeder, banana nursery and plant material, organic and conventional vegetables at livestock area na kung saan ay may makikitang mga kambing, tupa, at mga native na baboy.

Matapos ang paglilibot, nagkaroon ng mga paripa ng mga binhi, abono, at iba pang mga subenir na maaaring maiuwi ng mga kahalok.

Sa huli, masayang nagtapos ang nasabing pagdiriwang. Nagsiuwian ang mga kalahahok dala ang mga kaalamang nakuha nila mula sa mga pasilidad ng istasyon.

“Nasa level 8 na ang istasyon kung ito ay aking bibigyan ng grado mula 1-10, sa kadahilanang ito ay hindi laang sa pagsasaliksik ang ginagawa. Nadagdagan na ang mga serbisyo nito kumpleto na dahil meron na din itong Livestock, Organic Farming, Rice at Corn. Naipappakita naming ditto ang mga nasasaiksik naming sa mga kliyente ng kagawaran ng pagsasaka ay makagabong paggamit ng mga makinarya at pasilidad.” Ayon kay Engr. Quindong.

Nasa ikatlong taon na ang pagdiriwang na ito upang  maipakita sa mga bisita at gayundin sa mga tao ang pag-unlad ng mga teknolohiya at pasilidad ng DA- RIARC.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.