News and Events

DA – RCEF sa pamamagitan ng TESDA Scholarship Program, patuloy ang libreng pagsasanay at pamimigay ng Daily Training Allowance at PPE sa 100 magsasaka ng Victoria, Oriental Mindoro
Tinatanggap ng magsasaka ang P1,000.00 halaga ng Personal Protective Equipment at Internet Allowance. Kabilang sila sa mga magsasaka sa ilalim ng FFS on production of High Quality Inbred Rice and Seed Certificate, and Farm Mechanization

DA – RCEF sa pamamagitan ng TESDA Scholarship Program, patuloy ang libreng pagsasanay at pamimigay ng Daily Training Allowance at PPE sa 100 magsasaka ng Victoria, Oriental Mindoro

VICTORIA, ORIENTAL MINDORO – Kaakibat ng libreng 14 na linggong pagsasanay na sinimulan nitong huling Disyembre 15 sa tulong ng Agricultural Training Institute (ATI), pinamunuan ni Agricultural Center Chief Coleta Quindong ang pamimigay ng halagang P1,000.00 bilang Personal Protective Equipment and Internet Allowance sa 100 RSBSA – registered na mga magpapalay na kabilang sa Farmer Field School (FFS) on Production of High-Quality Inbred Rice and Seed Certification, and Farm Mechanization sa DA – Regional Integrated Agricultural Research Center (DA-RIARC), Brgy. Alcate. Victoria, Oriental Mindoro nitong kamakailan.

Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Scholarship Program na nakalaan para sa Rice Extension Services Program (RESP) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) kung makakatanggap ang bawat magsasaka ng karagdagang Food Allowance na nagkakahalagang P2,240.00 at Sertipiko ng Pagpapatunay sa Araw ng Pagtatapos na gaganapin sa Marso 31.

Pakikipagtalakayan sa 100 magsasakang kabilang sa aktibidad

Ayon kay Agriculturist Katherine Castro, nagkaroon ng ganitong FFS  sa RIARC kung saan kumpleto ang mga pasilidad para sa mga magsasakang naninirahan sa mga kalapit na barangay ng Victoria na hindi nakakadalo sa mga training ng tamang pangangalaga at pangangasiwa ng palayan. Nahahati ang 100 magsasaka sa 4 pangkat na sumasailalim sa pagsasanay mula Martes hanggang Biyernes.

Wika ni ACC Coleta Quindong, “Ang mga magsasaka ay nagkaroon ng magandang kaalaman lalo’t higit sa pamamaraan ng pagpapalayan tapos yung socialization, camaraderie sa bawat magsasaka. Sa panahon lalo ngayot’ pandemic, nakakaalis din ng stress nila, yung farmer field school, ito yung school without wall sa labas, so dun sila, malaki ang katuruan dun, para gang mga eskuwela, yung barkadahan, so mamimiss din nila ito sa panahon ng graduation.”

Natutuwang nagpahayag ng kaniyang naranasan sa aktibidad si Lolita Mancoste,isang magpapalay mula Sitio Antonino, Victoria, “Nagkaroon din ng mga pagsasanay – nagkaroon kami ng farm mall, nagtanim, nagpatag ng lupa, at iba pa. Masaya rin po akong may panggastos sa mga kailangan namin na katulad ngayong panahon katulad niyan, may pandemya, walang pang-araw-araw, naubusan na ng bigas, ganun kaya’t aming ilalagay sa maganda ang aming mga natatanggap tulad ng para may pambili ng mga gamot.”

Paliwanag ni Senior Science Research Specialist Jovilito Landicho, “Actually malaking tulong ito sa ating mga contractual na hindi agad natawag noong January so sila yung naging teacher namin, sila yung naging tagapagturo ng mga farmers natin na kahit sila tawag na regular dito sa DA-RIARC, sila ay nakapagturo naman sa ating mga TESDA beneficiaries.”

Ang mga kasapi sa DA-RIARC na nagsasanay sa mga magsasaka ay dumaan din sa masusing pag-aaral at pagsasanay kabilang ang Trainer’s Training (ToT), Trainer’s Management (TM), Rice Machinery Operation (RMO) at Small Engine Operation (SEO).

Pangangasiwa ng rehistrasyon para sa PPE at Internet Allowance

Lahat naman ng mga nandirito sa ORMAES, lahat ay well-trained na sila,  kaya kung ang pagbabasehan ay galing at talino, hands on sa pagtuturo, ang aming mga kasamahan dito sa RIARC ay talagang well-equipped kaya hindi kami humihinto sa pagtulong sa aming mga magsasaka or as long as nandiyan sa tabi namin ang ATI at ang TESDA,” dagdag ni Katherine Castro.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.