News and Events

DA-PRES, siksik sa aktibidad ang pagdiriwang sa ika-125 anibersayo ng Kagawaran ng Pagsasaka

DA-PRES, siksik sa aktibidad ang pagdiriwang sa ika-125 anibersayo ng Kagawaran ng Pagsasaka

Naging siksik sa iba’t ibang aktibidad ang ginawang selebrasyon ng Palawan Research Experiment Station (PRES) para sa ika-125 anibersaryo ng Kagawaran ng Pagsasaka.  Dahil sa pagtutulungan nina PRES Center Chief Librada Fuertes at OIC-Agricultural Program Coordinating Officer Engr. Vicente Binasahan, Jr., kasama ang mga hepe at lahat ng kawani sa Palawan, naging matagumpay na naisagawa sa iba’ t ibang istasyon ng PRES ang pagdiriwang.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng isang programa na pinagsama-sama ang lahat ng kawani mula sa PRES sa Brgy Sta. Monica, Satellite Disease Diagnostic Laboratory (SDDL), Palawan Agricultural Center (PAC) at Soils Laboratory, Livestock Resource Center (LRC), at Dairy Production and Development Center (DPDC).

Naging espesyal na panauhin sa programa ang mga solo parents mula sa Barangay Irawan at ang mga magsasaka mula sa mga bayan ng Sofronio Espanola at Narra. Nagbigay din ng mensahe ng pagbati ang mga pangunahing tauhan at hepe ng iba’t ibang istasyon at laboratoryo ng DA para sa lahat ng dumalo. Sinundan ito ng sama-samang pagtanim ng mga puno ng rambutan, kalamansi, trichantera at basa sa compound ng DA-PRES.   

Naging bahagi rin ng programa ang pagagawad sa apat (4) na vegetable growers association ang iba’t ibang farm supplies and machinery upang makatulong sa mga miyembero ng samahan na mapataas ang kanilang ani at kita.

Ang Narra Vegetable Growers Cluster Association naman ay ginawaran ng isang (1 unit) four-wheel drive tractor na may halagang P1.495 milyon. Sa Purok Mabuhay Vegetable Growers Association, Brgy. Panitian, Sofronio Espanola naman ipinagkaloob ang isang (1 unit) Pump Irrigation System for Open Source (PISOS) na nagkakahalaga ng P90,000. Samantala ang Panitian Vegetable Farmers Association, Brgy. Panitian, Sofronio Espanola ay nakatanggap ng 80 pieces Plastic Crates na may halagang P79,904, at ang Piatan Vegetable Farmers Association, Brgy.Labog Sofronio Espanola na pinagkalooban ng limang (5 units) grass cutter na may halagang P75,600.Ang mga ipinamahagi ay may kabuuang P1.75 milyong piso mula sa pondong High-Value Crops Development Program (HVCDP).

Nagsagawa rin ng iba’t ibang pakitang gawa sa bawat istasyon. Sa PRES sa Sta. Monica ay nagkaroon ng pizza making activity para sa mga bata, ang mga solo parents naman ay nagkaroon ng seminar sa paggawa ng peanut brittle at ang demonstration ng asexual plant propagation. Sa PAC naman ay nagkaroon ng pagsasanay sa organic agriculture para sa mga intern students ng Palawan State University-Brookes Point. Ang LRC ay nagbigay ng demonstration sa mga magsasaka kung paano magbigay ng tamang doses ng bitamina para sa mga alagang hayop. Samantala, ang DPDC ay nagdisperse ng isang inahin at isang barakong organic pig kay Bienvenido Degillo ng Barangay Irawan, 100 free-range chicken stocks para sa multiplier farm sabayan ng Rizal. Nagkaroon din ang DPDC ng milk feeding para sa 25 malnourished children na may edad dalawa hanggang 6 na taon, gayun din sa 60 mag-aaral ng Iratag Elementary School, sa Sitio Iratag, Barangay Irawan, Puerto Princesa City. Nagkaroon din ng tree planting at pamamahagi ng mga seedlings sa mga farmers Rural Agricultural Center (RAC) sa Abo-Abo, Sofronio Espanola.

Nagpatuloy ang selebrasyon sa pamamagitan ng mga palarong inihanda ng Engineering staff para sa mga panauhin at mga empleyado ng DA-PRES.

Sa selebrasyon  ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Kagawaran ng Agrikultura, makikita natin ang magandang samahan ng mga empleyado, mga kliyente nating mga magsasaka, gayun din ang magandang ugnayan sa mga eskuwelahan at mga kababaihan.  Yan ang Kagawaran ng Agrikultura patuloy na maglilingkod sa sambayanan kasama ng mga magsasaka tungo sa pag-unlad ng pamayanan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.