News and Events

DA, nakiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month sa panahon ng pandemya
Mothers’ Class, Saclag Association, Brgy. Caagutayan, San Teodoro, Oriental Mindoro

DA, nakiisa sa pagdiriwang ng Women’s Month sa panahon ng pandemya

Nakiisa ang Kagawaran ng Pagsasaka sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan na may temang “Juana, Laban sa pandemya: Kaya!”sa pamamagitan ng pamimigay ng 85 pakete ng binhing pananim sa isang grupo ng kababaihan mula sa Brgy. Caagutayan, San Teodoro, Oriental Mindoro nitong Marso 19.

Sa pamamagitan ni DA Staff Hazel Delmo at Rico Mangubat, nabigyan ang Mothers’ Class ng Saclag Association ng San Teodoro ng 20 pakete ng hybrid smooth patola, 30 pakete ng French beans, 20 pakete ng upland kangkong, 5 pakete ng okra, at 10 pakete ng hybrid tomato.

Ayon kay DA Staff Hazel Delmo, ang Institutional Development Section ay naglalayong tumutok sa pagpapalakas ng samahan ng mga magsasaka at pagpapalakas ng mga kababaihan. Sa pamamagitan ng pamimigay ng binhi sa tulong ng High Value Crops Development Program (DA - HVCDP), mabibigyang suporta ang pamumuhay ng 20 kababaihan at 4 na kalalakihan ng Mothers’ Class.

Ika aniya, “…Bagaman kaunting pananim na gulay ay malaking katulungan ito para sa ating lahat ngayong panahon ng pandemya. Ito rin po ay way namin para magpasalamat dahil kayo po ay naging aktibong kapartner namin sa pagkamit po ng aming layuning mapataas ang kita at mapalaki ang produksyon upang maging sapat ang pagkain natin sa araw-araw.”

Kaakibat ng pagbibigay ng mga binhi ay ang pagbibigay din ng mga payo sa mga kasapi ukol sa kanilg mga hinaing, mga pangangailangan sa kanilang produksyon ng mga pananim, at sa paghahanda ng mga kailangan para sa akredistasyon ng kanilang organisasyon sa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka.

Pakikipagpanayam ni DA Staff Hazel Delmo at Rico Mangubat kay Mothers’ Class Pangulo Minerva Baja

 “Malaki ang naging sira sa aming gulayan at pasilidad dulot ng Quinta, nasira rin po ng Glenda ang aming naging mushroom house, hindi na po halos kami nakabawi. Meron din po kaming natitigang na ani tulad po ng luyang dilaw namin, at mayroon pa po kaming tig-kilo na nakastock lang at meron pang aanihin pero hindi nakakaabot sa merkado. Buti naman po, sa inyong tulong, mabibigyan kami ng kaliwanagan sa aming mga gagawing hakbang,” wika ni Mothers’ Class Pangulo Minerva Baja.

Bagaman ang Mothers’ Class na nabuo noong August 15, 2006 ay isang grupo ng kababaihan, naniniwala sila sa pakikipagtulungan at pakikipag-isa sa kalalakihan upang maging matagumpay sa mga gawain. Ang nasabing grupo ay naging kabilang sa mga pagsasanay ng Kagawaran ng Pagsasaka tulad ng Farmer Field School (FFS) on Cacao at School –on – the – Air (SOA) sa Paggugulayan kung kaya’t sila ay nakatanggap ng grater at presser, grinder, sewing machine, water pump,  plastic crates, gardening tools, sprayer, at iba pang makinarya. Gayundin, tumanggap sila ng planting materials ng kakaw, kape, lanzones, saging, calamansi, paminta, langka, guyabano, at mangga para sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay bukod sa paghahabi at paghahayupan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.