News and Events

Mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasala sa Rehiyon ng MIMAROPA at ilang miyembro ng asosasyon at kooperatiba ng mga magsasaka na nakatanggap ng interbensyon mula sa ahensiya.
Mga kawani ng Kagawaran ng Pagsasala sa Rehiyon ng MIMAROPA at ilang miyembro ng asosasyon at kooperatiba ng mga magsasaka na nakatanggap ng interbensyon mula sa ahensiya.

DA, naghatid ng Php 10 milyong halaga ng agri-interventions sa Handong ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat sa Roxas, Palawan

ROXAS, PALAWAN. Naghatid ng mahigit ng 10 milyong piso halaga ng iba’t ibang klase ng agri-interventions ang Kagawaran ng Pagsasaka sa probinsiya ng Palawan bilang pakikibahagi sa Nationwide Distribution of Comprehensive Government Assistance na pinamagatang Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat. Kasama ang iba’t ibang ahensiya, ginanap ito sa Municipal Dome, Roxas, Palawan, ika-13 ng Setyembre.

Ang mga interbensiyon ipinamahagi ay limang (5) pump and engine set na nagkakahalaga ng Php500,000; 40 sako ng hybrid corn seeds na nagkakahalaga ng Php191,400; isang 90 hp four-wheel drive tractor na may halagang Php2.5 milyon; isang 70hp four-wheel drive tractor na may halagang Php4.3 milyon; isang combine harvester na nagkakahalaga ng Php1.9 milyon; 678 na pakete ng assorted vegetable seeds na nagkakahalaga ng Php23,462; 500 pakete ng organic plant supplement na may halaga na Php345,000, at 240 na botelya ng inorganic foliar fertilizer na may halaga na 122,400.00. Bukod rito ay naglagay rin ng Kadiwa store sa loob ng venue.

Tinanggap ang mga interbensiyon ng iba’t ibang asosasyon at kooperatiba ng mga magsasaka mula sa bayan ng Roxas, Dumaran, Sofronio Española, Batarraza, Narra, Quezon, at Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang aktibidad na ito ay isa sa mga pamamaraan ng gobyerno na ilapit sa sambayanan ang pamahalaan para sa mas bukas at mas mabilis na akses sa mga programa at proyekto sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya.

Kasabay din nito ang pagsasagawa ng ahensiya ng Agri-Serbisyo para sa mga Kapatid na Katutubo bilang pakikiisa sa Linggo ng Kalikasan na bahagi ng Civil Service Month at bilang komemorasyon na rin sa kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.. Ginanap naman ito sa tribo ng Tagbanua Central sa Brgy. Montible, Lungsod ng Puerto Princesa na dinaluhan ng higit sa 100 katutubo. Namahagi rito ng 100 punla ng kasuy at langka mula sa DA- Palawan Research Experiment Station (DA-PRES) , 100 punla ng hybrid na niyog mula naman sa Philippine Coconut Authority, at grocery packs. 

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.