News and Events

DA MiMaRoPa Region nagsilbing host ng National Rice Program (NRP) Interventions Management Platform (IMP) Assessment at Planning Workshop

DA MiMaRoPa Region nagsilbing host ng National Rice Program (NRP) Interventions Management Platform (IMP) Assessment at Planning Workshop

Ang National Rice Program (NRP) katuwang ang Information and Communications Technology Services (ICTS) ay nagsagawa ng tatlong (3) araw na assessment at planning workshop para sa mga proyekto ng NRP gamit ang Interventions Management Platform (IMP). Nagsilbi namang host ang DA MiMaRoPA Region sa nasabing aktibidad na isinagawa sa A&A Plaza Hotel sa Lungsod ng Puerto Princesa, Palawan.

Layunin ng gawain na ito na ma-assess ang pagpapatupad ng proyektong Fertilizer Discount Voucher (FDV). Gayundin ang pagtalakay sa best practices ng bawat rehiyon sa paghahatid ng suporta sa fertilizers at pakikipagtulungan sa mga merchants, local na pamahalaan at Development Bank of the Philippines. At ang panghuli ay makapagplano para sa taong 2024 na pamamahagi ng fertilizers at seeds support sa pamamagitan ng paggamit ng mga voucher.

Sa unang araw ng pagbubukas ng programa ay malugod na binati ni Ronald Degala, Regional Rice Program Focal Person ang mga kalahok mula sa iba’t ibang rehiyon. Nagbigay din ng mensahe ng  pagbati at pasasalamat si Dr. Andrew Villacorta, ang Head Directorate ng National Rice Program sa pakikiisa ng lahat ng mga kalahok para matagumpay na maisakatuparan ang gawaing ito.

Sa mensahe naman ni Glenn Estrada, Program Directorate ng Digitalization and Value Chain ay kanyang kinilala ang pagsisikap ng NRP, ICT at RFOs sa pagpapatupad ng FDVs. Inaasahan din nya ang aktibong pakikilahok ng lahat ng rehiyon upang ibahagi ang mga kwento ng tagumpay, mga isyu at alalahanin na naranasan sa panahon ng pagpapatupad ng programa.

Naging makabuluhan ang ginawang pagtatasa o assessment sa implementasyon ng FDV. Tinalakay at binigyang katugunan at mungkahi ang mga usapin ukol sa Data Quality Issues (Duplicates and Data Correction), Generation of Masterlist, Uploading of Masterlist, Generation of Vouchers, Distribution of Vouchers, Claiming of Fertilizers, Merchant Payout Processing, Monitoring at Chat or System Support.

Bahagi din ng isinagawang workshop ay ang papaplano para sa paghahanda ng National Rice Program sa pagpapatupad ng pamamahagi ng voucher hindi lamang para sa suporta sa fertilizer kundi pati na rin sa mga binhing pananim na palay.

Ang hakbang na ito ay naglalayong matiyak ng Kagawaran ng Pagsasaka  na matugunan ang pangangailangan ng mga magsasaka sa inirekomendang dami ng pataba, gayundin sa de-kalidad na binhi ng palay upang maseguro na matatag ang suplay ng bigas sa bansa sa kabila ng hamon ng presyo ng komersyal na pataba at binhi.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.