News and Events

DA-MIMAROPA namigay ng mahigit P2.5milyong halaga ng interbensiyon mula sa Enhanced Kadiwa
Larawan ng pagtanggap ni MPMPC Chairman Sofia Fabillar (gitna) ng symbolic key ng wing van ng Enhanced KADIWA.

DA-MIMAROPA namigay ng mahigit P2.5milyong halaga ng interbensiyon mula sa Enhanced Kadiwa

Matapos ang ground breaking para sa Onion Cold Storage, binigay naman ng Agribusiness Marketing Assistance Division sa ilalim ng programang Enhanced  Katuwang sa Diwa at Gawa o KADIWA ng isang (1) Wing Van na nagkakahalagang Php 2.5 milyon , 50 pirasong Plastic Crates, 30 pirasong Pallets, 300 pirasong multi-purpose containers at 20 pirasong plastic baskets.

“Hinikayat po namin ang mga magsasaka na magtinda at lumabas ng probinsya [mayroon ding lokal kadiwa] na kung saan kailangang i-distribute ng mura o katamtamang presyo ang mga produkto upang protektahan hindi lamang ang magsasaka kundi pati na rin ang mga konsyumer,” sabi ni Dr. Olido.

Taong 2019 nang ilunsad ni Secretary William Dar ang KADIWA upang matulungan ang mga  magsasakang maimarket sa tamang presyo ang kanilang mga produkto.

Ang Agribusiness and Marketing and Assistance Services katuwang ang AMAD ay naglunsad ng Enhanced KADIWA Program na kung saan ipinamamahagi ang lahat ng makakatulong sa pagma-market ng mga produkto at nakapaloob dito ang Logistics Support Program na nagbibigay ng mga truck sa mga kwalipikadong kooperatiba tulad ng MPMPC.

“Itong MPMPC na may mahigit 4,000 na miyembro, it has the best fit sa development perspective ng kagawaran dahil lagi ninyong tinitignan na aangat ang lahat at ang layo na ng narating niyo,” pagpapaliwanag ni RED Gerundio.

Dagdag pa niya, simula nang magsimula ang pandemic ang MPMPC ang isa mga organisasyon na sa tinitignan at inaasahan ng DA na tumutulong sa mga magsasaka.

“You’re managing the whole process, so we are expecting better service from you for your members, embracing more members to be with you para mas maraming umunlad,” dagdag ni RED Gerundio.

Pahayag pa niya na ang MPMPC ay buong pusong nakasuporta sa programa ng DA dahil ang unang palapag ng kanilang 3 storey One Stop Shop building na matatagpuan sa pamilihan ng Mamburao, ay ilalaan nila para sa wholesale at retail ng mga produkto ng KADIWA.

Kabilang rin sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ay sina Ms. Gloria Gabito (representative ni Governor Eduardo B. Gadiano) at mga piling myembro ng kooperatiba.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.