Hinahanda na ng Kagarawan ng Pagsasaka sa Rehiyon ng MIMAROPA ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon para sa implementasyon ng Mandanas Ruling sa 2022 sa pamamagitan ng oryentasyon ukol sa Provincial-Led Agriculture and Fishery Extension System (PAFES).
Nilibot ng Kagawaran ang limang probinsiya sa buong buwan ng Marso upang gawin ang pagtitipon na magkahalong personal at virtual upang tiyak na maintindihan at makuha ang mga kinakailangan impormasyon sa paghahanda ng mga nalalapit na importanteng kaganapan sa susunod na taon.
Ayon sa patalakay ni Center Director Pat Andrew Barrientos ng Agricultural Training Institute ng Mandanas Ruling ang batas na ito ay magkakaroon muli ng devolution o desentralisasyon sa mga nasyonal na ahensiya patungo sa mga lokal na pamahalaan.
Sa batas na ito, mabibigyan na ng mas malaking budget ang mga Local Government Unit upang sila na ang mamahala ng mga service delivery para sa kanilang mga kinasasakupan. Samantala, ang mga ahensiya sa nasyonal ay mababawasan ang budget para sa mga plano,programa, at iba’t ibang proyekto, ayon sa pahayag ng Department of Interior and Local Government.
Kaya nama binuo ng Kagawaran ng Pagsasaka ang PAFES upang ibahagi sa kanila kung papaanu ang sistema ng mga programa at mga extension service sa agrikultura at pangisdaan sa ilalim ng magkakambal layunin ng Kagawaran---ang Masaganang Ani at Mataas na Kita. Tinalakay ito ni Regional Executive Director Antonio Gerundio sa Concept and Operationalization of PAFES.
Binigyan diin niya sa kanyang mga pagtalakay ang importansiya ng pakikipagkolaborasyon ng mga lokal na gobyerno ng bawat bayan sa nasyonal na ahensiya kasama rin sa mga samahan ng mga magsasaka at mangingisda at pribadong sektor. Ayon sa kanya, kasama dapat ang bawat stakeholder pagbuo ng mga polisiya, pagsasaliksik, at paghubog ng mga organisasyon para maabot ang nasabing layunin ng Kagawaran.
Kanya rin binanggit na dapat ay pagtibayin rin ng mga Provincial, Municipal, at City Agriculture Office ang pakikipag-ugnayan sa mga Sangguniang Palalawigan/Bayan at kanilang mga Local Chief Executives upang makuha nila ang nararapat na suporta para sa sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Wika nga niya, “the ball is yours”. Ibig sabihin ay nakasalalay na sa lokal na pamamahala ng bawat bayan ang pagpapaunlad ng agrikultura at pangisdaan at ang seguridad sa pagkain ng bansa.
Kaya ayon kay Governor Presbitero Velasco ang aktibidad na ito ay napakaimportante at kinakailangan ngsuporta mula sa mga lokal na pamahalaan.
“With PAFES the local government will be the extension hub in cooperation with SUCs (State Universities and Colleges),private and public instritution… Ang probinsiya talaga ang tutok at gagalaw…Kaya importante ang mga ganitong oryentasyon. Kailangan natin pagtibayin ang mga MAO (Municipal Agriculture Office) at extension workers,” kanyang pagpapahayag sa ginawang oryentasyon sa kanilang probisya.
Tinitignan naman ito ng malaking oportunindad at pagsubok ng lokal na pamahalaan ng Palawan.
“It’s a big opportunity and a big challenge for us to lead the agri-fishery extension system. We hope for a better rigorous partnership with our municipal LGUs counterparts, Department of Agriculture, private sector, academe, and other organizations…” ani ni Provincial Agriculturist Romy Cabuncal.
Bukod sa Overview of Mandanas Ruling at Concept and Operationalization of PAFES, tinalakay din sa bawat oryentasyon ang PAFES Agenda, Role of Implementing Agencies, at ang magiging Co-Financing Scheme nito.
Upang masimulan na ng mga lokal na pamahalaan ang pagpaplano para sa susunod na taon pinaghanda na sila ng Kagawaran ng kani-kanilang Priority Commodity Investment Plan (PCIP).
Ang PCIP ay unang ginamit sa Philippine Rural Development Project kung saan nakabase ito sa value chain analysis ng bawat produkto na mayaman sa isang bayan. Dito makikita ang mga kinakailangang pagtuonan ng pansin para sa paggawa ng mga programa at proyekto upang paunlarin ang industriya nito.
Natapos ang bawat aktibidad sa pamamagitan ng pagtala ng kanilang target schedule sa pagtapos at pagsumite ng kanilang mga Provincial, Municipal, at City Commodity Investment Plan at Memorandum of Agreement sa Kagawarang ng Pagsasaka.