Hinahanda na ng Department of Agriculture sa Rehiyon ng MIMAROPA (DA-MIMAROPA) ang mga lokal na pamahalaan sa rehiyon para sa desentralisasyon sa ilalim ng Mandanas-Garcia Ruling sa taong 2022 sa pamamagitan ng Provincial-Led Agriculture and Fishery Extension Systems (PAFES).
Samantala sa probinsiya ng Marinduque, nagtipon ngayong ika-17 ng Hunyo ang DA sa pangunguna mismo ni Sec. William D. Dar at ni Regional Executive Director Antonio G. Gerundio ng DA-MIMAROPA kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Marinduque sa pangunguna naman ni Governor Presbitero Velasco, Jr. at mga Local Chief Executive ng anim na bayan ng probinsiya para sa paglalagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagpapatupad ng PAFES.
“Ou hearts are full especially for this momentous event because agriculture is the main livelihood of our kababayan…your visit sparks hope…we welcome this agreement as we geared toward the greater things that will happen in agriculture. Rest assured that the provincial government is fully supportive to all the projects of the Department of Agriculture ,” mensahe mula sa mainit na pagtanggap ni Gov. Velasco sa pagdating ni Kalihim Dar sa probinsiya.
Binuo ng DA ang PAFES upang ibahagi sa kanila kung papaano ang estratihiya ng mga programa at mga extension service sa agrikultura at pangisdaan sa ilalim ng kakambal na layunin ng ahensiya kung saan nais nitong abutin ang Masaganang Ani at Mataas na Kita.
Matapos ang oryentasyon ukol sa PAFES noong Marso, agad na sinimulan ng mga LGU ang paggawa ng kani-kanilang Commodity Investment Plan (CIP) sa tulong at gabay ng DA-MIMAROPA. Ito ay dumaan sa masusing pagtatalakay ng kanilang Sangguniang Panlalawigan, at matapos nito, ay siya na nga ang paglalagda ng kasunduan o ng MOA. Ang kasunduan ay ang papatibay ng kolaborasyon sa pammagitan ng DA, ng mga lokal na pamahalaan, pribadong mga samahan, akademiya, at iba pang stakeholders para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura at pangisdaan.
Kaya naman kasama sa paglalagda sina Dr. Diosdado P. Zulueta - President of Marinduque State College; Pat Andrew Barrientos - Regional Agriculture and Fisheries Extension Network (RAFEN) Chairman; Lorna Velasco - President League of Mayors of the Philippines (LMP-MARINDUQUE); Ederlinda V. Jasmin – President of League of Municipal and City Agriculturist of the Philippines (LeMMCAP); William Ragodon – Regional Manager National Irrigation Authority (NIA) Antonino L. Manuba - Chairman Provincial Agri-Fishery Council (PAFC); Amalia Peralta - Chairman Marinduque Irrigators Federation (MIF); Samuel Rondera – President Small Water Impounding System Association (SWISA); Benigno Peczon – President of Coalition of Agriculture and Modernization in the Philippines (CAMP); at Ms. Cherrie Atilano, CEO of AGREA Philippines. Bilang saksi naman sina ASec Noel Reyes at RED Gerundio.
“PAFES is an initiative of DA upon may assumption on August 5. One of the major programs is this PAFES. Why systems? Because every province is a system, we have 80 provinces then we have 80 systems. Sila ang liderato sa kani kanilang probinsiya at munisipyo that is not done by DA alone, it’s a shared responsibility for ensuring food security of the country… LGU will be part of the real solution to make it possible na magkaroon ng food security and we will be in sync with the national government,” pagpapaliwanag ni Kalihim Dar ukol sa gagampanang tungkulin ng mga LGU sa PAFES.
Masaya niya ring ibinahagi sa kanyang mensahe na maglalaan ang Kagawaran ng Pagsasaka sa ilalim ng Bureau of Agriculture Research ng P10M para ng Marinduque State University bilang suporta sa pagsasaliksik ukol sa pagpapaunlad ng agrikultura.
Kasabay ng paglalagdaan ng PAFES ang pamimigay ng mga interbensiyon ng DA-MIMAROPA na aabot sa P39M. Ito ay pinapalooban ng mga makinarya tulad ng anim (6) na rice thresher; walong (8) hand tractor; tatlong (3) grass cutter; 10 unit ng PISOS, ilang HDPE Pipe na may kabuuang halagang P2.9M. May kasama ding 5,600 na sako ng rice certified seeds mula sa Rice Program na nagkakahalagang P4.754-M, 200 sako mula naman sa Rehab Program na nagkakahalagang P304,000 at assorted vegetables seeds na nagkakahalagang P449,820. Ang mga ito ay tatanggapin ng higit sa 45 mga samahan ng mga magsasaka sa anim na bayan ng Marinduque.
Kasama din sa pinamahagi ang loan assistance na aabot sa P29.5M para sa 1,180 na magmamais, mangingisda, magtatanim ng gulay mula sa Survival and Recovery Assistance Program o SURE-Aid Program at mga indemnity check na aabot sa P820,763 para sa 117 na mga magsasaka na biktima ng bagyo, ito naman ay mula sa Philippine Crop Insurance Corporation.
Nag-abot ng din ng interbensiyon ang Bureau Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa MIMAROPA na nagkakahalagang P4.45M. Ito ay kinabibilangan ng refrigerated van (P2.5M), 1M pcs fry banamin shrimp (P400,000), 1M pcs tilapia fry (P300,000), 210 set ng hook and line (P157,500), 510 tons seaweeds seedlings (P1M), at farm implements for seaweeds (P100,000).
Nagtapos naman ang gawain sa pagbigay ng mensahe ng ilang kinatawan mula sa mga samahan ng asosayon.
“Makaasa po ang Kagawaran ng Pagsasaka na ano man po ang aming natanggap na interbensiyon ito po ay gagamitin naming ng maayos upang makamit ang Masaganang Ani at Mataas na Kita. Maraming salamat po at mabuhay po ang magsasaka ng Marinduque at mabuhay ang Kagawaran ng Pagsasaka,” pangakong binitawan ng isa sa mga magsasaka na si Joel Tirey, Bonliw Farmers Association ng Torrijos, Marinduque.