News and Events

DA Handover 10 units ng mga Tractora sa Iwahig Penal Farm

DA Handover 10 units ng mga Tractora sa Iwahig Penal Farm

PUERTO PRINCESA CITY. Naiturnover   ang 10 hand tractors sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) para sa implementasyon ng “DA X DOJ Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security Project”o ang DA X DOJ RISE Project ng Deparment of Agriculture MiMaRoPa Region.  Pinangunahan  ito ni DA-MIMAROPA Regional Technical Director Celso C. Olido, kasama ang Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) Vicente Binasahan, Jr. at DA-PRES Center  Chief Librada Fuertes. Kasama naman sa tumanggap ng 10 handtractors sa IPPF sina Superintendent Gary A. Garcia at Deputy Superintendent for Reformation c/TINSP Teddy S. Martin. Ito ay ginanap mismo sa compound ng IPPF kamakailan lamang.

Ayon kay APCO Binasahan ang naipamigay na mga traktora  bukod pa sa mga palay at binhing gulay ay bahagi ng commitment ng DA-MIMAROPA para sa tuloy-tuloy na implementasyon ng DA x DOJ RISE Project sa Iwahig Prison and Penal Farm. Naging maagap ang DA-MIMAROPA sa pagbibigay ng mga interbensyon hindi lamang ang palay  at vegetable seeds kundi pati na din ang farm machineries tulad ng hand tractors sapagkat kailangang kailangan ito upang mapabilis ang produksyon lalo na sa paghahanda sa lupang sasakahin sa IPPF. “Sana ay maging matagumpay ang partnership na ito upang makamit natin ang layunin na food security nang sa gayun ay hindi na magsuffer ang mga Palaweño sa mataas na presyo ng bigas, sabi ni APCO Binasahan. Ang 10 units ng hand tractors ay nagkakahalaga ng P1.5M mula sa savings ng mga mga naunang nabiling  machineries.

Mula naman sa mensahe nii RTD Celso Olido na ang farm mechanization ang natukoy na pangunahing kakulangan sa value chain kaya mataas ang gastos, para maka-produce ng isang kilong palay ay gumagastos tayo ng mahigit P14pesos kumpara sa Vietnam na gumagastos lamang ng 6 pesos kada kilo. Kaugnay ito ng direktiba ng Pangulong Bong Bong Marcos (PBBM) na ayusin ang value chain ng sector ng agrikultura. 

Dagdag pa sa sinabi si RTD Olido, “pagdating sa value chain, pinag-aaralan ng DA ang input supply, production, marketing, processing hanggang makarating sa consumer ang produkto. Sa input supply problema natin ang mataas na gastos sa krudo, seeds, kaya ang DA ay namimigay din ng seeds at may subsidy pa ng abono sa mga individual farmer. Ang isa sa problema naman pagdating sa produksyon ay ang land preparation kaya talagang kailangana ng farm mechanization dahil mahirap mag-araro na kalabaw pa din ang ginagamit samantalang nakatuon na sa modernization ang DA. Kaya ito rin ang isang punto ng gobyerno bakit pumasok ang mechanization, para bumaba ang gastos at lumaki ang kita ng mga magsasaka.”

Ipinaliwanag din nya na mabuti na nagkaroon ng Rice Tariffication Law sapagkat hindi na kailangang mangutang pa ng bansa para sa mechanization, ang 10% na bahagi ng buwis mula sa pag-iimport ng bigas ay ginagamit ng gobyerno para paunlarin ang sector ng agrikultura sa pamamagitan ng mga makinarya.

Dahil walang problema sa patubig magiging tuloy-tuloy ang pagtatanim dito, kahit integrated farm ay kayang gawin dito dahil may sariling irigasyon ang IPPF.   Kaya ang 10 traktorang ipamamahagi ay napakalaking maitutulong para mapabilis ang paghahanda ng taniman para mapaunlad pa ang pagsasaka dahil sa mahigit na 100 ektarya ang lawak ng taniman rito sa loob ng IPPF.

Sa pagtanggap naman ni IPPF Superintendent Gary A. Garcia ng mga hand tractors ay lubos nyang pinasalamatan ang DA-MIMAROPA sa suportang ito para sa IPPF bilang pagtugon sa program ni PBBM na food security. Aniya“Sinisiguro naming na na hindi masasayang at mapapakinabangan ito ng IPPF upang mapadali ang land preparation hanggang sa pag-ani. Sana patuloy ang tulong ng DA para sa matagumpay na implementasyon ng DA x DOJ RISE Project.”

Ang turnover ceremony ay dinaluhan at sinaksihan rin mga tauhan ng DA Regional Office, PRES at mga taga IPPF.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.