News and Events

DA-4B at LGU – Calapan City, nagkaisa para sa “Buwan ng Magsasaka’t Mangingisda” at “Plant Plant Plant Program”
Selebrasyon ng Buwan ng Magsasaka’t Mangingisda sa Sta. Maria Village, Calapan City

DA-4B at LGU – Calapan City, nagkaisa para sa “Buwan ng Magsasaka’t Mangingisda” at “Plant Plant Plant Program”

Sa ugnayan ng Kagawaran ng Pagsasaka – MiMARoPa na pinangangatawanan ni Agricultural Production Coordinating Officer Engineer Coleta Quindong at LGU-Calapan City sa pamamagitan ni City Agriculturist Lorelein Sevilla, naisakatuparan ang pagdiriwang ng 2020 Buwan ng Magsasaka’t Mangingisda kasabay ang paglulunsad ng Plant Plant Plant Program ni Kalihim William Dar sa Brgy. Sta. Maria Village, Calapan City nitong Mayo 26.

Layunin ng programang pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng agrikultura sa pagtataguyod ng pangmatagalang suplay ng pagkaing gulay para sa MiMaRoPa sa panahon ng Covid-19 community quarantine.

“Ang Calapan City ay isang major agricultural producer at sa panahong ito ng pandemic, dito nakikita ang kahalagahan ng agriculture”, mensahe ni City Mayor Panaligan, ika aniya “Sa quarantine, nagsara ang industriya, nagsara ang komersiyo – nagsara ang maraming establisiyemento pero, bukas ang agriculture upang matugunan ang food sufficiency hindi lang sa city-level kundi sa household-level.”

Pinaunlakan din nina Vice Mayor Gil Ramirez, Punong barangay Ave Deo Greg Cabrera, at Atty. Raymond Ussam na siyang nangangasiwa ng 300 metrong kwadradong lupain ginamit sa aktibidad.

“Mahalaga itong programa sapagkat kahit wala na itong sinasabi nating pandemic ay patuloy na mananatili ang pagkakaroon ng serving ng healthy food sa inyong lamesa”,ani City Agriculturist Sevilla.

Sa pagtutulungan nina APCO Coleta Quindong at Science Research Specialist II Genesis Castro, namigay ang DA-MiMaRoPa ng 800 na mga punlang gulay at isang sakong kalabasa sa lahat ng mga dumalo. Gayundin, namigay ng mga gulaying petsay si Atty. Raymond Ussam, ang tagapangasiwa ng gulayang pinagdausan ng selebrasyon.

Kadiwa on Wheels Jonathan Atilano

Ganap din sa pagdiriwang ang patuloy na pagtakbo ng Kadiwa on Wheels ng kagawaran sa pagmamaneho ni Jonathan Atilano mula Gloria na nagsasabing, “Patuloy nating tangkilin ang mga magsasaka at ang kanilang gulayan sapagkat ang pagod nila ang patuloy na bumubuhay sa ating agrikultura.”

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.