Matagumpay na naisagawa ang Good Agriultural Practices (GAP) Team sa ilalim ng Regulatory Division ng Kagawaran ng Pagsasaka-MiMaRoPa (DA-MiMaRoPa) ang Capacity Building of Regional Good Agricultural Practices Team (RGT) on Pre Assessment on Vegetable Farm na dinaos sa Sablayan, Occidental Mindoro noong Hulyo 11-13, 2018.
Ang layunin ng nasabing kaganapan ay una, ang pagkakaroon ng mas malawak na pagkakaunawa tungkol sa kalahagahan ng pagkakasertipika sa GAP ng isang magsasaka; ikalawa, magkakaroon ng isang depinisyon sa mga nakatala sa giya upang masabing ang isang magsasaka ay pasado na sa GAP; Ikatlo, madagdagan ang kaalaman ng mga RGT members ukol sa mga alituntunin sa pagsesertipika ng mga sakahan; huli, ang madagdagan ang mga masesertipikahang mga magsasaka sa GAP sa tulong ng mga lokal na pamahalaan na silang katulong ng Regional office sa pagpapasertipika.
Ang capacity building ay dinaluhan ng mga piling miyembro ng mga munisipalidad sa rehiyong MiMaRoPa na kinabibilangan ng Oriental at Occidental Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan.
Bago magsimula ang nasabing pagpupulong, isinagawa mga tagapangasiwa mula sa Regional Office sa pangugnuna ni G. Peter Gallinera sa isang Pre-test kung saan ito ang sususkat sa kaalaman ng mga nagsidalo sa GAP.
Ipinaliwanag ni G. Raymond Jayme sa mga dumalo kung ano ang ibig sabihin ng GAP at kung bakit ito kailangan. “kailangan po nating malaman na ang GAP dahil kailangan ito para maibenta an gating mga produkto sa pandaigdigang merkado”. Wika niya.
Dagdag pa niya sa mga dahilan kung bakit kinakaialanagn a ng GAP ay ang mga sumusunod: Kaligtasan sa pagkain ( Food safety), seguridad ng tao (security for people), kapaligiran (environment), at kaligtasan ng mga hayop (Animal Welfare).
Matapos ni Jayme, ipinaliwanag naman ni G. Peter Gallinera sa mga kasapi ang mga alintuntunin sa pagsesertipika ng mga bukirin para sa GAP. pinagtulung-tulungan ng mga kasapi ang pagsasaling wika ng mga kategorya sa pagsesertipika ng GAP. matagumpay na nagkaroon ng iisang interpretasyon ang mga kasapi ng RGT sa checklist para mas mapadali ang pagtatanong sa mga magsasaka.
Matapos magakaroon ng iisang interpretasyon sa mga questionnaire, pumunta ang mga tao sa mga magsasaka upang maisagawa ang pagtatanong at upang masubukan kung naiintindihan din ba ng maayos ng mga magsasaka ang mga questionnaire na kanilang isinaayos. Dito nila nasubukan kung gaano maiintindihan ng mga magsasaka ang mga katanungan at kategorya na kanilang dapat sagutin mula sa mga RGT members.
Napagkasunduan na sa mga sususnod na pagkikita ay magkakaroon na ng muling pagsasanay kasama ang mga eksperto sa agrikultura upang magkaroon ng mas malinaw at mas maayos na mga katanungan nang mas mapadali sa mga magsasaka ang pagsesertipika.