News and Events

Binhing ipinamahagi sa Occi, tulong sa mga nasalanta ng bagyo
Distribusyon ng certified seeds sa mga magsasaka ng Rizal kasama sina (mula sa kaliwa) Municipal Mayor Ernesto Pablo, Jr., DA-MIMAROPA Regional Technical Director for Operations Elmer Ferry, Congresswoman Josephine Ramirez-Sato, at DA-MIMAROPA Regional Executive Director Antonio Gerundio.

Binhing ipinamahagi sa Occi, tulong sa mga nasalanta ng bagyo

Bilang agarang pag-agapay sa daan-daang mga magsasakang sinalanta ng Bagyong Tisoy at Bagyong Ursula sa probinsya ng Occidental Mindoro nitong nagdaang Disyembre, ang Kagawaran ng Pagsasaka ay nagdaos ng mga distribusyon ng binhi ng sibuyas at palay na magsisilbing mgapanimulang binhi sa mga nasirang bukirin at taniman sa mga munisipalidad ng San Jose, Magsaysay, Rizal at Calintaan, Occidental Mindoro noong Disyembre 28-31.

Idineklarang “under state of calamity” ang Occidental Mindoro matapos itong tamaan ng Bagyong Ursula. Nailikas ang higit kumulang 2, 667 katao sa mga evacuation centers, ayon kay Lt. Col. Imelda Tolentino. Mula sa mga ulat ng Philippine Crop Insurance Corporation, Agricultural Credit Policy Council, Philippine Coconut Authority, and Department of Agriculture – MIMAROPA, umabot ang pinsalang naidulot ng dalawang magkasunod na bagyo ng P 53.48 milyong katumbas na pagkawala sa kanilang kabuuang agrikultura (palay, mais, high value crops, at mga alagang hayop).

“Nakakalungkot nga po dahil tinamaan ng bagyo ang aming mga punlang sibuyas, pati po mga bahay,” wika ni Marciana Natividad, 60 edad na taga-San Jose, “Sira pong lahat tulad po sa sitio namin, maraming bumagsak na puno.

Namahagi ang kagawaran ng 4,540 sako ng binhi ng certified seeds na nagkakahalaga ng P6.1M at 5,561 lata ng mga binhing sibuyas na nagkakahalagang P12.24 milyon. Ang mga sumusunod ay ang naitalang bilang ng mga binhing natanggap ng apat na munisipalidad; Magsaysay – 540 sako ng palay at 500 lata ng binhing sibuyas, San Jose – 3000 sako ng binhi ng palay at 500 lata ng binhing sibuyas; Calintaan – 500 sako ng binhing palay; at Rizal – 500 sako ng binhing palay at 300 sako ng var6 mais.

“Naluluha ang mga magsasaka kasi ang kanilang mga punla ay nalunod – nasira,” salaysay ni Magsaysay Mayor Cesar Tria. “Kaya nagpapasalamat din tayo kay mahal na Secretary dahil naisama tayo sa pamimigay ng seeds – mabibigyan po ng seeds kayong lahat!,” buong galak na wika ni Congresswoman Josephine Ramirez – Sato sa mga dumalong magsasakang tumanggap ng isang taos-pusong saludo at pasasalamat sa tulong na kanilang natanggap.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.