News and Events

Bagong grupo ng mga kabataang agripreneur sa MIMAROPA na umangat sa 2022 Young Farmers Challenge Provincial-Level, pinarangalan
Sa pamamagitan ng Zoom, nagpagtipon-tipon ng Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Division ang 75 kabataang may gawa 48 panukalang nakapasok sa 2022 Young Farmers Challenge Provincial Level.

Bagong grupo ng mga kabataang agripreneur sa MIMAROPA na umangat sa 2022 Young Farmers Challenge Provincial-Level, pinarangalan

Umabot sa 48 start-up enterprise ang umangat sa 2022 Young Farmers Challenge mula sa iba’t ibang probinsiya ng Rehiyon ng MIMAROPA mula sa 100 panukalang pinadala sa Department of Agriculture-Agribusiness and Marketing Assistance Division (DA-MIMAROPA AMAD). Labin-limang (15) panukala o start-up enterprise ang nakapasok mula sa probinisya ng Oriental Mindoro, apat (4) naman mula sa OccidentalMindoro, anim (6) mula sa Marindque, lima (5) mula sa Romblon, at 18 mula sa Palawan.Sila ay pinakilala sa pamamagitan ng virtual awarding ceremony at napanood ng live sa opisyal na Facebook Page ng DA RFO MIMAROPA, ika-22 ng Agosto.

Layon ng programang ito na tugunan ang patuloy na bumababang bilang ng mga kabataang magsasaka at napipintong krisis sa pagkain kapag nawala na mga tumatandang magbubukid. Kaya naman, sa pamamagitan ng pagbibigay ng malaking cash grant at mga libreng pagsasanay ay binibigyan ng pagkakataon ng Kagawaran ng Pagsasaka ang mga kabataan na tuparin ang kanilang mga pangarap na makapagnegosyo sa larangan ng agrikultura.

Ang mga ito ay binubuo ng mga individual at mga group start-up enterprise na nagdaan sa masusing pag-susuri ng mga eksperto sa larangang ng pagnenegosyo sa agrikultura. Ang bawat individual enterprise ay makakatanggap ng cash grant na nagkakahalaga ng Php50,000 at Php100,000 naman para sa group enterprise. Pagkatapos nito ay may tiyansa pa silang makatanggap ng karagdagang cash grant kapag sila ay napili sa regional at national level.

Ang mga panukala ay pinili base sa entrepreneurial attributes, innovativeness, revenue stream of the business proposal, value addition, social responsibility, cultivation/improvement of an unused agricultural land or property, belongs to marginalized sector, at with agriculture/fishery experience or related training.

Ang mga hurado ay kinabibilangan nina Patrick Belisario ng Ecoviritas Agriculture Technical Services bilang Chairperson ng Judging Panel; Girlie Sarmiento ng Organic Producers and Trade Association Incorporated bilang Co-Chairperson, Pablito Villegas isang Social Agripreneur at Volunteer Mentor ng Department of Trade and Industry Go Negosyo Program; Juniel Lucidos, Asst. Professor ng Romblon State University; at Ruben Pagrigan, Project Development Officer I ng Farm and Fisheries Clustering and Consolidation Program ng DA-MIMAROPA.

Mga mensahe

Bilang pagbati sa mga kabataan nagpadala ng mensahe ang OIC-Regional Executive Director Engr. Ma. Christine Inting kung saan hinakayat niya ang mga kabataan na patuloy na mangarap para sa minimithi nilang tagumpay.

“You will be an inspiration for other young entrepreneurs to enter agriculture. This is just the beginning of your journey as young farmer entrepreneurs. Do not stop dreaming in order to achieve your goals,” kanyang sinabi.

Samantala, nagbigay din ng mensahe ng pagbati ang dating Regional Executive Director Dr. Antonio G. Gerundio at ang Undersecretary-Designate for Consumer Affairs at OIC-Director for Agribusiness and Marketing Assistance Service, USec. Kristine Evangelista.

“Sabi nga ang kabataan ang pag-asa ng bayan and the country’s engine of growth, alam ko na pinag-isipan niyo ito ng mabuti at nagpapasalamat kami dito sa rehiyon na nagkaroon kayo ng ganitong disposisyon at pangarap sa buhay. Sana lumago ang inyong negosyo at marami kayong matulungan na maliliit na mga magsaka at iba pang kabataan,” kanyang pagpaabot na mensahe.

“Asahan niyo na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng suporta sa inyo ng Kagawaran ng Pagsasaka, mapa-market access, access to financial services, access to product development, at iba pang business development services,” pagbabahagi ni ASec Kristine ng karagdagang suporta na ibibigay ng Kagawaran sa pamamagitan ng YFC Program.

Kasunod naman nito ang mensahe mula sa nagsulong ng programang ito na si Senator Imee Marcos na kinatawan ni Atty. Mac Liggayu, Legislative Officer IV ng kanyang tanggapan.  

“Kayo, ang Young Farmers na magtataguyod at magpapalago ng mga lupaing pansakahan para sa ating lahat lalo na’t nahaharap tayo at ang buong mundo sa krisis sa pagkain,” mesahe ng butihing senadora.  

Nagtapos naman ang awarding ceremony sa mensahe ng Dr. Celso Olido, Chief ng DA-MIMAROPA AMAD.

“Inaasahan namin yung mga mananalo na pag-iigihan ang kanilang enterprise, sana maging kaakibat namin kayo sa aming layunin,” kanyang sinabi.

I want to extend my sincerest gratitude to our panel of judges na naging kaagapay naming dito sa programa. Naglaan sila ng time, effort, kanilang expertise, at ang kanilang galing ay nag-reflect sa do’n sa judging, na ang nangyari ay may quality talaga ang mga nanalo,” kanyang dinagdag.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.