News and Events

Awarding ng Solar Powered Irrigation System sa dalawang FA sa Magsaysay

Awarding ng Solar Powered Irrigation System sa dalawang FA sa Magsaysay

Magsaysay, Occidental Mindoro, ikaw-16 ng Pebrero, 2022 - Ipinagkaloob ng Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) ang dalawang Solar Powered Irrigation System (SPIS) at Knapsack Sprayer sa mga nagtatanim ng gulay sa Brgy. Laste at Calawag bilang tugon sa kakulangan sa patubig sa lugar.

Parehas na nakatanggap ng isang unit ng SPIS at Knapsack Spayer ang  Cagulayan Farmers Association (CFA) at Laste Vegetable Association (LVA).

Ayon kay Senior Agriculturist Florence Limos, ang dahil sa kakulangan ng patubig tuwing tag-araw, halos walang nakakapagtanim na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng gulay.

"Malaking tulong ang SPIS para makapagtanim ang mga benepisyaryo ng gulay kahit sa tag-araw at magkaroon sila ng hanap-buhay," dagdag ni G. Limos.

Hinikayat naman ni Dr. Myer G. Mula, SAAD National Director ang mga magsasaka na palakasin ang pagtatanim ng gulay, at patuloy na magtanim kahit sa tag-ulan.

"Hinihikayat ko kayo (mga miyembro) na kahit sa tag-ulan, gulay pa rin ang itanim dahil mataas ang presyo nito kapag tag-ulan. May technology naman tayo para matulungan kayo sa inyong pagtatanim," ani Director Mula.

Sinigurado naman ni Cesar M. Tria Jr., Municipal Mayor ng Magsaysay na patuloy na magmomonitor ang LGU at ang MAO upang mapalakas ang sustainability efforts para sa samahan.

Sa kasalukuyan, nasa first cycle na ng pagtatanim ng pakbet vegetables ang dalawang asosasyon. Planong pagtibayin ng LVA ang pagkakaroon ng communal vegetable area, habang ang CFA naman ay mas paiigtingin ang seguridad ng kanilang gulayan laban sa mga hayop at hangin.

Sources: Vilmar J. Robes – SAAD Area Coordinator, Magsaysay

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.