Nagkaroon ng training on Post-Harvest Handling on Onion ang Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) katuwang ang High-Value Crops Development Program (HVCDP) sa Magsaysay Hillside Resort, Magsaysay, Occidental Mindoro, ika 29 hanggang ika-30 ng Marso.
Ang layunin ng pagsasanay na ito ay maturuan ang mga magtatanim ng sibuyas ng tamang produksiyon, pag-aani at pag-iimbak para mapanatili na mataas na kalidad ng kanilang mga ani upang maibenta sa mataas na presyo sa merkado.
Dinaluhan ito ng mga asosasyon at kooperatiba na natulungan ng mula sa Farm and Fishery Clustering and Consolidation Program at Sagip Sibuyas tulad Samahang Gumagawa Tungo sa Tagumpay Multi-Purpose Cooperative, Calintaan Seed Grower Cooperative, Cantoroy Bato Singit Irrigators Association Inc., Purnaga Association, 8 Keys Development Cooperative, Murtha Agriculture Cooperative, Paluwan White Onion Cluster, Bulalacao Development Cooperative, Mindoro Progressive Multi-Purpose Cooperative, Bulacan Sigsig ng Layon at Kapatiran MPC, mga kawani mula sa municipal agriculture offices, at iba pang dumalo mula sa lalawigan ng Occidental Mindoro.
Sa pambungad na pananalita ni Dr. Celso C. Olido ang bagong nakatalagang Regional Technical Director for Operations binigyan diin niya ang pagtingin sa market quality na hinahanap ng mga mamimili.
“Ang labanan ngayon sa merkado ay quality, pahirap nan g pahirap ang requirements ng mga mamimili ng sibuyas”, kanyang saad.
Samantala, tinalakay ni Dr. Antonio L. Acedo Jr. Institute of Crop Science /PHTRC, University of the Philippines-Los Banos, ang tamang pag-aani at pag-iimbak ng sibuyas. Dito ay nakasaad ang mga hakbang sa pag-aani ng sibuyas tulad ng tamang edad at haba sa pagpapuputol ng dahon, pagpapatuyo ng sibuyas, paghihiwalay ng tamang laki at iba pang pamamaraan , para mapatagal ng pito (7) hanggang walong (8) buwan kung ito ay ipapasok sa cold storage.
Tinalakay naman ni Dr. Antonio G. Gerundio dating Direktor ng DA Mimaropa Region ang pamamaran sa pagbebenta naman ng sibuyas. Ayon sa kanya ang marketing ay nagsisimula sa produksiyon, ano ba demand ng merkado, at hanggang sa pagsasaalng-alang ng kaligtasan ng consumer kapag ito ay kinain.
Kanya rin tinalakay ang tamang pagba-budget, pag-alam ng tamang lugar at oras ng pagdadala ng produkto, paggamit ng iba’t ibang platform para sa pag –promote ng mga produkto katulad ng social media, tamang packaging, at pagsasa-alang-alang palagi ng kalidad ng mga produkto.
Nagbigay din si RTD Olido ng ilang tips ukol sa tamang paggamit ng alternatibong pataba at pestisidyo, tamang pagpapatubig , upang mapababa ang gastusin sa pamamahala ng taniman.
Tinalakay naman ni Ansherina Tinonas tauhan ng Royal Cold Storage mula pa sa Cabuyao, Laguna ang mga alintuntunin tungkol paglalagak ng sibuyas sa kanilang Cold Storage.
Ikinalugod naman ng mga dumalo ang inisyatibang ito ng kagawaran kung saan marami silang natutunan at maiuuwing aral.
“Isang malaking karangalan po ang maimbitahan kami sa programang ito, bilang isang pagdadaluyan ng kaalaman na ipinagkaloob ng DA, ito ay magiging hakbang ng aming mga kabarangay upang makapagturo sa ibang magsasaka ng aming natutunan dito “sambit ni Danny A. Festin , General Manager ng Bulalacao Development Cooperative, Milagrosa, Bulalacao, Oriental Mindoro
“Napakarami po naming natutunan tungkol sa post-harvest handling ng sibuyas, ito ay aming i-apply at ituturo sa mga kasapi na aming kooperatiba. Ganon din sa produksiyon yong natutunan namin kay Dr. Olido,pagsasamahin namin ang organic method at inorganic para makatipid sa gastusin”ang pahayag ni Rancel Buenas Chairman ng Unlad Magsasaka Agri Cooperative, Paluan, Occidental Mindoro.
Bilang pangwakas, nagpapasalamat si Mharnel Pascual, Agriculturist II ng AMAD, sa mga dumalo sa pagsasanay na siyang nanguna sa pag-oorganisa ng gawain.
Kasunod din nito ang pasasalamat at pangakong suporta ni Rene Madriaga ang Regional Coordinator ng HVCDP na sa mga magtatanim ng sibuyas simula sa produksiyon hanggang sa post-harvest.
“Sa totoo lang, ang aming programa ay maglalagay ng emo farm sa Murtha upang ipakita ang tamang produksiyon ng sibuyas. Magtatayo din onion hunger type para maging imbakan ng sibuyas at mapag- aralan ang itatagal ng mga sibuyas sa(natural na pamamaraan na ito) na hindi kailangan ng kuryente, di tulad ng Cold Storage “pagbabahagi ni Ginoong Madriaga.