News and Events

Alokasyon sa mga programa at proyekto ng HVCDP MIMAROPA ngayong 2023, mahigit P172-M
Pagbabahagi ni Regional HVCDP Focal Person Renie Madriaga ng mga programa at proyektong paglalaanan ng mahigit P172-M na alokasyon ng HVCDP MIMAROPA ngayong taon.

Alokasyon sa mga programa at proyekto ng HVCDP MIMAROPA ngayong 2023, mahigit P172-M

Umaabot sa P172,225,000 ang kabuuang alokasyon na inilaan para sa implementasyon ng mga programa, proyekto, at mga aktibidad (PPA) ng High-Value Crops Development Program (HVCDP) MIMAROPA ngayong 2023.

Sa isinagawang Year-End Regional Assessment and Program Orientation sa Boac, Marinduque, ika-16 hanggang ika-18 ng Enero, kabilang sa mga inilahad ng nasabing banner program ang mga nakalinyang proyekto na paglalaanan ng naturang halaga at ang mga naisakatuparan nitong programa at proyekto noong 2022.

Pinangunahan ni Regional HVCDP Focal Person Renie Madriaga ang aktibidad na dinaluhan ng mga kawani ng programa at ng ilang tanggapan ng DA MIMAROPA gaya ng  Research Division, Regional Integrated Agricultural Research Center (RIARC), Palawan Research and Experiment Station (PRES), Property and Supply Unit, Regional Agriculture and Fisheries Information Section (RAFIS), Agricultural Program Coordinating Officer Lucila Vasquez (Marinduque), Artemio Casareno (Oriental Mindoro), at Victor Binasahan (OIC, APCO – Palawan) ganoon rin ng mga HVCDP provincial coordinators. Naging panauhin rin sina OIC, Regional Executive Director Engr. Ma. Christine C. Inting, OIC, Regional Technical Director for Research and Regulations Romnel B. Salazar, at dating DA Assistant Secretary for Operations na ngayon ay Provincial Agriculturist ng Marinduque Edilberto M. De Luna.

“Yearly po ay ginagawa natin itong ating assessment para ma-measure natin nasaan na tayo, ano po ba ang inabot natin sa ating mga target na gustong matapos sa taong 2022? Ano ang naging partisipasyon ng bawat isa at pagdating sa baba, ano po ang ating physical accomplishment? Nakarating ba sa ating mga target na clientele (ang mga programa at proyekto) at napakinabangan ba nila? Pag-usapan rin natin ang mga usapin sa implementasyon ng mga programa at ang mga solusyong nararapat para dito,” saad ni Regional HVCDP Focal Person Madriaga.

Ibinahagi niya na sa mahigit na P172 milyon, P49,359,000 ang inilaan sa Production Support Services (PSS) na kinabibilangan ng pamamahagi ng mga binhi ng munggo, pula at dilaw na sibuyas, bawang, iba pang gulay, mga pananim na mangga, saging, pinya, kasoy, at iba pa; P15,061,000 naman para sa Extension Support, Education and Training Services (ESETS); P100,555,000 para sa Agricultural Machinery, Equipment and Facilities Support Services (AFMEF) kung saan nakapaloob ang pamamahagi ng mga makinarya at pagtatayo ng mga processing at postharvest facilities kabilang na ang onion cold storage at packaging house; habang P7,250,000 naman para sa Irrigation Network Services (INS) kung saan  nakapaloob ang pamahahagi ng Pump Irrigation System for Open Source (PISOS), Shallow Tube Well (STW), at drip irrigation.

Samantala noong 2022, ayon kay Regional HVCDP Focal Madriaga, P86,851,000 o 97 porsyento mula sa kabuuang alokasyon na P89,456,000 ang nagamit sa iba’t ibang proyekto at interbensiyon na pinamahagi sa mga magsasaka na kinabibilangan ng mga pananim na gulay kasama na ang 568 kilo ng mga pulang sibuyas, iba pang inputs tulad ng mga pataba, mga makinarya, pagtatayo ng mga gulayan sa paaralan at barangay, urban garden, postharvest facilities and equipment at marami pang iba.

Maliban dito, tinalakay rin ang National Urban and Peri-Urban Agriculture Program (NUPAP) at ang umuusad na implementasyon ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) sa pangunguna ni Julius Jake M. Arellano, Focal Person ng mga naturang programa.  Binigyang daan rin ang mga usaping kinakaharap sa implementasyon ng mga programa ng HVCDP sa mga probinsiya sa RED’s hour kasama si OIC, RED Inting. Paalala ng opisyal, mahalaga ang regular na koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga Provincial Agriculturists at mga Municipal/City Agriculture Officers para sa mas epektibo at maayos na pagbababa ng mga programa at proyekto sa mga magsasaka. Bilang tulong naman sa mga magsasaka sa pagbebenta ng kanilang ani at sa mga consumers na makabili ng mga murang agrikultural na produkto, hinikayat ni OIC, RED Inting ang mga lokal na pamahalaan na tangkilin ang KADIWA at maging katuwang ng kagawaran sa pagtatayo ng mga ito.

“In behalf of the Regional Office at ng ating President and Secretary ng Department of Agriculture, President Bongbong Marcos, maraming-maraming salamat from the bottom of our hearts sa inyong mga accomplishments at trabaho. Huwag kayong magsasawang tulungan lagi ang Regional Office, we’re just here to serve you and we are here to serve our clienteles,” mensahe ni OIC, RED Inting.

Nagtapos ang dalawang araw na aktibidad sa pagbisita sa Rodel’s Cacao Farm sa bayan ng Gasan at Timbo Integrated Farm sa bayan naman ng Buenavista na pawang tinutulungan ng HVCDP MIMAROPA sa pagpapaunlad ng kanilang cacao farm na isa sa mga pangunahing produkto at binibigyang prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Marinduque.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.