Namahagi ang Department of Agriculture MIMAROPA sa direktiba ni Regional Executive Director Atty. Christopher R. Banas ng African Swine Fever (ASF) Indemnification Assistance sa 2296 na mga small backyard raisers noong ika-17 hanggang ika-21 ng Pebrero sa probinsya ng Occidental Mindoro.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng tulong pinansyal ang mga kusang nagsuko ng kanilang alagang baboy upang maisama sa depopulation kaugnay ng sakit na ASF na nanalanta sa probinsya noong nakaraang taon.
Nagkakahalaga ng 5 libong piso ang bawat baboy na naisuko noong depopulation sa probinsya. Hanggang dalawampung baboy naman ang maaaring bayaran ng kagawaran sa mga small backyard raisers na aabot sa 100 libong piso bawat magsasaka.
Ayon sa datos na mula sa Regional Disaster Risk Reduction Management (RDRRM) team ng DA MIMAROPA, ang mga small backyard raisers ang naabutan ng tulong na nagkakahalaga ng 95 milyong piso ay kinabibilangan ng mga bayan ng Abra de Ilog (290), Paluan (30), Mamburao (476), Sta. Cruz (383), Sablayan (83), Calintaan (34), Rizal (401), San Jose (948) at Magsaysay (291) ang nabigyan ng financial aid galing sa kagawaran.
Malaki ang pasasalamat ng mga nakatanggap ng tulong pinansyal sa kagawaran dahil sa kanilang natanggap na tulong pinansyal. Ayon kay Mary Anne Limos, isang magbababoy mula sa Mamburao, malaki ang pasasalamat nila sa da dahil sa natanggap nilang financial assistance buhat nang isuko nila ang kanilang baboy. “Nakakatuwa po dahil hindi ko po inakala na ganitong kalaki ang aking matatanggap sa DA buhat po ng isuko naming ang aming mga alagang baboy upang idepopulate. Malaking tulong na po ito upang pandagdag sa aming mga gastusin at pambili po ng alagang hayop na aking pararamihing ulit.” Dagdag pa niya.
Ayon naman kay Perlito Rea mula Magsaysay, magagamit niya ang kanyang ntanggap na ayuda para sapanggastos sap ag-aaral at pambili na din ng laptop ng kanyang anak. “Maraming salamat po sa DA dito po sa natanggap naming na tulong pandagdag na din po ito sa pag-aaral ng aking anak at pambili na din po ng laptop niya na kailangan sa school.”
Patuloy pa din ang ginagawang hakbang ng kagawaran upang matulungan ang mga naapektuhan ng ASF sa probinsya.
Ang mga nakatanggap ng indeminication assistance mula sa DA ay ang mga hindi nakasama sa nabigyan ng PCIC ng financial assistance kamakailan sa probinsya. Isa ding batayan ng pagkakatanggap nila ng tulong ay ang kanilang boluntaryong pagsuko ng alaga nilang baboy upang matulungang mapigilan ang pagkalat ng ASF sa kanilang probinsya dahil hindi rin nila maaarin ibenta ang kanilang alagang baboy na naapektuhan ng ASF.
Kasama sa nasabing pamimigay ng Indemnification sina RDRRM focal Person Engr. Ma. Teresa Carido, Supervising Agriculturist ng Regulatory Division Artemio Casareno, Livestock Program staff Arman Melendrez, Cashier Unit Head Ruby Goce at mga kasama mula sa Cashier Unit , DRRM Unit at mga kawani ng Municipal agriculture office ng bawat munisipyo na pinagdausan ng pamimigay ng indemnification.