News and Events

895 magsasaka sa MIMAROPA, hinasa sa pagnenegosyo ng SAAD MIMAROPA, RSU at F2C2
Isa sa mga naging tagapagsanay sa Marketing Assistance and Enterprise Development Training sa Romblon si RSU Prof. Yolly M. Fabito, Jr., na tinutukan ang pagtalakay sa pagnenegosyo at pagiging negosyante ng mga magsasaka.

895 magsasaka sa MIMAROPA, hinasa sa pagnenegosyo ng SAAD MIMAROPA, RSU at F2C2

Sa pagtutulungan ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA – SAAD) MIMAROPA, Romblon State University (RSU) at Farm and Fisheries Clustering and Consolidation (F2C2) MIMAROPA, 895 magsasaka sa rehiyon ang sumailalim sa serye ng Marketing Assistance and Enterprise Development (MAED) Training.

Isa ang MAED sa mga mahalagang bahagi ng SAAD Program kung saan tinututukan ang aspeto ng pagnenegosyo ng mga samahan. Layunin ng pagsasanay sa ilalim nito na hubugin ang mga magsasakang benepisyaryo ng programa tungo sa pagiging mga negosyante na may kakayahang pamahalaan at palaguin ang negosyo ng kanilang asosasyon.

Sa tulong ng RSU at F2C2 MIMAROPA, kung saan nagmula ang mga naging tagapagsanay ng bawat asosasyon, matagumpay na naturuan ang 38 samahan sa Romblon, Occidental Mindoro, at Palawan hinggil sa mga mahahalagang pundasyon ng pagnenegosyo.  Kabilang sa mga paksang ibinahagi nila sa mga magsasaka ang entrepreneurial mindsetting kung saan maliban sa mas malalim na pagpapakahulugan sa pagnenegosyo at pagiging negosyante, inilatag rin ng mga propesor mula sa RSU ang mga positibo at negatibong aspeto ng pagnenegosyo at ang mga kakayahan at katangian na dapat taglayin ng isang negosyante.  Ibinahagi rin nila ang mga mahalagang bahagi ng negosyo tulad ng costing, basic accounting, basic business recording, at pag-unawa sa mga financial statements. Samantala, maliban sa entrepreneurial mindsetting, tinutukan naman ng mga kawani ng F2C2 MIMAROPA ang pagtalakay sa packaging at labeling ng mga produkto ganon rin ang Agro-Enterprise Clusting Approach (AECA) sa agrikultura. 

Sasailalim sa kaparehong pagsasanay sa tulong pa rin ng RSU ang anim (6) na asosasyong kabilang sa huling batch nito sa buwan ng Nobyembre. Makikinabang sa naturang training ang 150 magsasaka mula sa mga bayan ng Alcantara, Ferrol, at Sta. Maria, Romblon.  

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.