News and Events

55 kababaihan ng SAAD Abra de Ilog, natutong gumawa ng tocino at longganisa

55 kababaihan ng SAAD Abra de Ilog, natutong gumawa ng tocino at longganisa

𝐀𝐁𝐑𝐀 𝐃𝐄 πˆπ‹πŽπ†, π‡π”ππ˜πŽ πŸπŸ“, 𝟐𝟎𝟐𝟏 - 30 kababaihan mula sa Rural Improvement Club (RIC) at 25 kababaihan mula sa Blessed Corean Swine Raisers Association (BCSRA) ang natutong gumawa ng tocino at longganisa mula sa Training on Meat Processing na pinasinayaan ng Lokal na Pamahalaan ng Abra de Ilog katuwang ang Municipal Agriculture Office (MAO) at ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD). Ang dalawang asosasyon na nagbababuyan ay kabilang sa mga asosasyon ng SAAD sa Abra de Ilog.

Pinangunahan ni Food Engineer Artemis Roque M. Mulingtapang, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) staff ang nasabing pagsasanay. Ayon kay Engr. Mulingtapang, ang pagkakaroon ng kaalaman sa pagpoproseso ng karneng baboy, gaya ng pagtotocino at paglolongganisa, ay makatutulong sa mga nagbababuyan dahil pwede nilang mapataas ang kanilang kita mula sa pagbababuyan kapag dumaan na ito sa meat processing.

Dagdag ni MAO Julia Amodes, plano nilang matulungan ang mga asosasyon na magkaroon ng puwesto sa lokal na pamilihan kung saan nila maibebenta ang kanilang mga produkto. Bukod dito, tinitignan din nila ang potensyal ng pagbebenta ng kanilang mga produkto online.

Ang pagsasanay ay tumatagal ng isang araw kada asosasyon o grupo. Imbitadong dumalo ang mga interesadong indibidwal at mga grupo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nais matuto. Itinuturo sa mga kalahok ang mga hakbang at mga kailangan sa paggawa ng tocino at longganisa, at nagkakaroon din ng aktuwal na paggawa at pagluluto ng kanilang mga nagawang produkto. Ang pagsasanay ay nagsimula noong Hunyo 22 hanggang Hunyo 25, 2021.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.