News and Events

54 na magmamais nagtapos sa Farmers Field School sa Palawan, combine harvester with trailer natanggap ng samahan
Matapos ang pagkilala sa mga nagtapos sa Farmer Field School, iginawad ng Department of Agriculture MIMAROPA sa pamamagitan ng Corn Program ang isang (1) unit na combine harvester with trailer sa ABOBALIPATA Corn Farmers Association.

54 na magmamais nagtapos sa Farmers Field School sa Palawan, combine harvester with trailer natanggap ng samahan

Matagumpay na nagtapos ang 54 na kasapi ng ABOBALIPATA Corn Farmers Association sa Farmers Field School (FFS) na pinangunahan ng Kagawarang Pagsasaka – Rehiyon MiMaRoPa sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office ng Taytay, Palawan nitong nakaraang linggo. 

Ang nasabing pagsasanay ay naganap ng 16 na linggo na kung saan ang mga magsasaka ay tinuruan sa paghanda ng lupa, tamang pag-aalaga ng pananim at pati na rin sa pagbebenta ng ani. Isa sa mga layunin ng FFS ay matulungan at mahasa ang kaalaman ng mga magsasaka sa pagtatanim, pag-aalaga at pag-ani upang makamit ang masanaganang ani at mataas na kita. 

Nagpahiwatig naman ng pasasalamat si Municipal Mayor Christian Rodriguez. 

“Lubos ako nagpapasalamat sa DA dahil ramdam na ramdam ng mga magsasaka ang tulong at biyaya na hatid ng kagawaran. Dahil dito patuloy kami sa munisipyo na aalalay at magbibigay ng suporta sa DA upang mas lalo natin mapataas ang kabuhayan ng ating magsasaka,” wika ni Mayor Rodriguez. 

Samantala, isa sa mga naging highlight ng pagtatapos ng FFS ay ibinigay sa asosasyon ng ABOBALIPATA Corn Farmers ay 1 unit combine harvester with trailer na nagkakahalagang Php 1,902,700.00. Ang nasabing makinarya ay magagamit ng asosasyon sa pag-ani at paghila ng mga naani na produkto sa kanilang lugar. 

“Malaki po ang magiging tulong nito sa aming asosasyon dahil hindi na po kami mahihirapan sa paghila ng aming mga produkto at mas tataas ang aming ani dahil mababawasan ang gastusin,”

pasasalamat ni asosasyon president Emilio Mayang sa natanggap na makinarya. 

Sinaksihan ang turnover nila Regional Corn program Focal person at RAED chief Engr. Christine Inting, Agricultural Program Coordinating Officer Vicente Binasahan, Jr., Mayor Christian Rodriguez, Vice-Mayor Cherie Anne Rodriguez, Municipal Agriculture Officer Hernan Fenix at Sorosoro Ibaba Development Cooperative (SIDC) Regional Manager Eljie Guiuo. 

Nagtapos ang aktibidad sa aktwal na paggamit ng makinarya sa maisan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.