News and Events

4Ks National Program, nagsagawa ng site monitoring sa Mindoro
Larawan ng mga kasapi ng Alangan Tribe mula sa Sitio Siapo, Brgy. Pinagturilan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro kasama ang mga kinatawan ng DA 4ks Regional Office at 4ks National Program (mula kaliwa) G. Alfie Yamugan, G. Daniel Joseph Paglinawan, G. John Elbert A. Memita, G. Atoy Manday, G. Edmar Mendoza, G. Cesar F. Campomanes, G. Norovin Malugayak AMAKA FA Vice Chairman Isagani Garong, Elder Loben Garon, Dir. Lucia Campomanes, CESO IV, G. Artur Masalansan, G. Emmanuel Ochavez at G. Vince Abejo.

4Ks National Program, nagsagawa ng site monitoring sa Mindoro

Nagsagawa ng site monitoring ang Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4Ks) program sa mga Brgy. Caburo, Naujan, Oriental Mindoro at Sitio Siapo, Brgy. Pinagturilan, Sta. Cruz, Occidental Mindoro noong ika-9 hanggang ika-11 ng Mayo, taong kasalukuyan.

Pinagunahan ang nasabing site monitoring nina  4Ks national Director Lucia Campomanes, CESO IV, Mr. Norodin Malaguyak, Project Development Officer IV, kasama ang 4ks program ng MiMaRoPa sa pangunguna ni Mr. Edmar P. Mendoza bilang project leader.

Layunin ng pagbisita na personal na makausap ng mga katutubo partikular na ang mga tribong Alangan sa mga nasabing lugar upang malaman kung anu-ano ba ang mga pangangailangan nila para magkaroon ng pangkabuhayan, ano pa ang maaaring maitulong ng programa sa pagpapaunlad ng kanilang pagsasaka gamit ang kanilang lupang ninuno, ang tunay na kalagayan ng mga mangyan sa kanilang lupaing ninuno.

Ayon kay 4Ks Program National Director dapat nilang malaman ng personal ang mga pangangailangan ng mga katutubo upang makita nila mismo ang tunay na sitwasyon ng mga kababayan nating katutubo at magawan ng paraan kung paano matutulungang umunlad ang kanilang mga pamumuhay sa kabila ng nagababagong panahon.

Binahagi naman ni G. Malaguyak sa mga mamamayan ng tribong Alangan sa Nuajan, Oriental Mindoro na ang kanilang pagbisita ay malaking bagay upang mabago at madagdagan ang mga polisiya sa pagbibigay ng mga interbensyon sa mga katutubo.

Nasambit naman ni G. Mendoza na ang ahensya ay handing tumulong sa pagpapaunlad ng kanilang lupaing ninuno upang mapagkukunan ng pagkain at maaari din nilang ibenta sa merkado pagdating ng panahon.

Pasasalamat naman ang ipinaabot ng mga katutubo sa Brgy. Caburo sa pangunguna ng G.  Vicente P. Sara ng Kapit-Bisig na Zamahan ng mga Manggagawang Mangyan para sa Kaunlaran (KASAMAKA). Aniya, masayang masiya ang knailang komunidad dahil sa pagdating ng tulong mula sa 4ks lalo nang magkaroon sila ng ugnayan sa DA.

Pasasalamat din ang ipinaabot ng Tribong Alangan sa Sta. Cruz, Occidennal Mindoro sa pagbisita ng mga kawani ng 4Ks.

 “Lubos-lubos po ang aming pasasalamat sa DA 4Ks dahil po sa laki po ng tulong na inyong naidulot sa amin. Mula po ng nakatanggpa kami ng tulong mula sa DA 4Ks ay kahit papaano po ay nakakasabay na po kami sa mga Tagalog pagdating po sa pagsasaka. Hindi na din po kami nanghihiram ng gamit sa kanila pagkat napagkalooban na po kami ng mga makinarya sa pagsasaka,” pahiwatig ni G. Atrhur Masalansan, pangulo ng Alangan Mangyan Kabataan Farmers Association (AMAKA FA).

Matapos ang pagbisita sa mga tribong alangan, ang 4Ks National Program sa pangunguna ni Dir. Campomanes ay patuloy pa ding maglilibot sa iba’t ibang mga lupang ninuno sa buong bansa upang mabisita at makausap ang mga katutubo at magkaroon pa ng mga polisiya na magpapadali sa pagbibigay ng tulong sa kanila para sap ag-angat ng kanilang mga pamumuhay.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.