News and Events

40 kalabaw, ipinamahagi sa Oriental, Occidental Mindoro at Palawan sa ilalim ng programang “Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K’s)”
Mga katutubong mangyan na kasaping “Samahan ng Fagkasadiyan Buhid at Bangon ng Manoot Rizal Association” sa Baranggay Manoot, Rizal Occidental Mindoro kasama ang limang kalabaw na handog sa kanilang samahan.

40 kalabaw, ipinamahagi sa Oriental, Occidental Mindoro at Palawan sa ilalim ng programang “Kabuhayan at Kaunlaran ng Kababayang Katutubo (4K’s)”

RIZAL, OCCIDENTAL MINDORO – Ang Department of Agriculture – MIMAROPA Region sa  ilalim ng programang Kabuhayan at Kaunlaranng Kababayang Katutubo (4K’s) ay matagumpay na namahagi ng kalabaw sa mga katutubong mangyan sa lalawigan ng Oriental at Occidental Mindoro at sa mga katutubong Batak sa lalawigan ng Palawan noong ika-22-25 ng Marso.

Labing siyam (19) na kalabaw ang ipinamahagi sa Oriental Mindoro, 20 naman sa Occidental Mindoro at isa (1) sa Palawan.

Mapalad na nabiyayaan ang mga katutubo na kasapi ng iba’t ibangsamahan sa bayan ng Naujan, Mansalay, Gloria, Bansud at Bongabong sa Oriental Mindoro; sa mga bayan ng Calintaan, Rizal, Sablayan at Mamburao, Occidental Mindoro; at siyudad ng Puerto Princesa, Palawan.

Ito ay dinaluhan at sinuportahan ng mga Alkalde ng bawa’t bayan, mga kawani ng lokal na pamahalaan at mainit at masayang tinanggap ng mga katutubong mangyan at batak.

Sinaksihan ni Mayor Angelina F. Tria (pangalawa mula sa kaliwa) ang pamamahagi ng mga kalabaw sa mgakatutubong Mangyan na kasapi ng Samahan ng mga Magsasaka sa Kataasan ng Tribung Iraya sa Sulong Ipil Association at Samahan ng mga Magsasaka sa Kataasanng Tribung Iraya sa Tuguilan Inc. sa bayan ng Mamburao.

Limang (5) samahan ng mga katutubong mangyan ang mga benepisyaryo sa lalawigan ng Oriental Mindoro. Ito ay ang KAPIT BISIG NA SAMAHAN NG MGA MANGGAGAWANG MANGYAN PARA SA KAUNLARAN ASSOCIATION sa bayan ng Naujan na pinamumunuanni G. Vicente P. Sarana na katanggap ng tatlong (3) kalabaw, SEK NA FAMANYUN ASSOCIATION sa bayan ng Gloria na pinamumunuan ni G. TomyoK Dagaywan na nakatanggap ng apat (4) na kalabaw at ARUFUDAN MGA BUHID SIS MAGOD ASSOCIATION ng Bansud na pinamumunuan ni G. Damian G. Falyos na nakatanggap din ng apat (4) na kalabaw. Isa pa sa mga nabigyan ang BUHID FARMERS ASSSOCIATION ng Bongabong na pinamumunuanni G. Christian B. Pasagat LUMUNAN ASSOCIATION ng Mansalay na pinamumunuan ni G. Francis Kim P. Kanay na nakatanggap ng tig-apat (4) n akalabaw.

Samantala, pitong (7) samahan ng mga katutubong ang na biyayaan sa lalawigan ng Occidental Mindoro. Ito ay ang SAMAHAN NG FAGKASADIYAN BUHID AT BANGON NG MANOOT RIZAL ASSOCIATION sa Rizal, na pinamumunuan ni G. Bernardo Pandino na nakatanggap ng limang (5) kalabaw, BENNIEC FARMERS AND FISHERIES ASSOCIATION na pinamumunuan ni G. Fernando Jimenez na nakatanggap ng dalawang (2) kalabaw, CALINTAAN TAU-BUHID ASSOCIATION na pinamumunuan ni G. Elmo Guevarra na nakatanggap din ng dalawang (2) kalabaw at BALANGABONG DEVELOPMENT ORGANIC FARMER ASSOCIATION na pinamumunuan ni G. Rico Bleza na nakatanggap ng isang (1) kalabaw sa bayan ngCalintaan. Mapalad ding nakatanggap an gKALAMANSIAN IP LIVELIHOOD ASSOCIATION ng Sablayan na pinamumunuan ni G. Danny Benlin na nakatanggap ng limang (5) kalabaw. Dalawang (2 )samahan naman ang nakatanggap sabayan ng Mamburao, ito ay ang SAMAHAN NG MGA MAGSASAKA SA KATAASAN NG TRIBUNG IRAYA SA SULONG IPIL ASSOCIATION, na pinamumunuan ni G. Rey Jordan na nakatanggap ng tatlong (3) kalabaw at SAMAHAN NG MGA MAGSASAKA SA KATAASAN NG TRIBUNG IRAYA SA TUGUILAN INC. na pinamumunuan ni G. Ricardo T. Aloy n anakatanggap naman ng dalawang (2) kalabaw

Sa kabilang banda, isang (1)kalabaw ang ipinamahagi sa Puerto Princesa City   sa Lalawigan ng Palawan. Benipisyaryo ng nasabing kalabaw ang mga katutubong Batak na kasaping SAMAHAN NG KAUNLARAN NG BATAK SA TINA (SKBT).

Ang mga kalabaw na ipinamahagi ay puro babae, malulusog, walang sakit, may kakayanan na magparami at nasa20 hanggang 24 nabuwang gulang. Ito ay masusing pinili at sinuri ng mga kawani ng programa s apangunguna nina Dr.Nex D. Basi, 4K’s Focal Person at G. Vida Francisco, Doktor Beterinaryo.

Ayon kay G. Fernando Jimenez, pangulo ng samahang “Benniec Farmers and Fisheries Association, “makakaasa po ang gobyerno at mga taong nasa likod ng programa, na pangangalagaan, pahahalagahan at pararamihin naming ang mga ipinamahaging kalabaw upang ito ay lubusa ng mapakinabangan, hindi lamang naming kundi narin ng mga susunod pang henerasyon ng mga magiging kasapi ng samahan. Ito ay hindi naming ipagbibili. Ito ay aming gagamitin upang maiangat anga ming pamumuhay, maging daan upang mapaalwan ang aming pagsasaka at mapabilisa ng pagluluwas ng aming mga produkto ng agrikultura”.

Ang pamamahagi ng kalabaw ay unang hakbang palamang ng 4K’s Program, upang matulungan  iangat ang pamumuhay ng mga Kababayang Katutubo sa Rehiyon MIMAROPA alin sunod sa direktiba ng Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ngsuporta ang mga katutubo at bigyan ng dagdag na mapagkakakitaan sa pamamagitan ng ibat ibang suportang  pang-agrikultura.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.