News and Events

4.6M agricultural interventions mula sa HVCDP, ipinamahagi ng DA MIMAROPA sa OcciMin
Mga tagapangulo at miyembro ng iba’t ibang asosasyon at kooperatiba, BuCor, at LGU – San Jose na tumanggap ng agricultural interventions mula sa DA-MIMAROPA High Value Crops Development Program kasama sina (pangalawang hanay, mula sa kanan) OIC Provincial Agriculturist Alrizza C. Zubiri (ikaapat), Governor Eduardo B. Gadiano (ikaanim), OIC APCO/HVCDP Focal Person Renie B. Madriaga (ikapito), at Provincial HVCDP Focal Person Micah Cataloctocan (ikalabintatlo).

4.6M agricultural interventions mula sa HVCDP, ipinamahagi ng DA MIMAROPA sa OcciMin

Higit Php 4.6M halaga ng agricultural interventions ang ipinamahagi ng High Value Crop Development Program (HVCDP) ng Department of Agriculture - MIMAROPA Region noong ika-anim ng Hulyo taong kasalukuyan sa Murtha Demo Farm, San Jose, Occidental Mindoro.

Ayon kay Regional HVCDP Focal Person at OIC - Agricultural Program Coordinating Officer (APCO) ng probinsya, Renie B. Madriaga, ang mga ipinamigay na agricultural interventions katulad ng pump and engine set ay napapanahon upang malabanan ang El Nino at upang hindi magkaroon ng problema sa patubig ang mga magsasaka.

Siyam (9) na samahan ang nakatanggap ng tig-isang (1) unit ng Pump Irrigation System for Open Source (PISOS) na nagkakahalaga ng Php 90,000.00 bawat isa. Kabilang dito ang: Magilas Farmers Association (FA) mula sa Sta. Cruz; Tagumpay Multi-Purpose Cooperative, Samahan ng Magsasaka ng Sitio Langog Rizal, at Barangay Pitogo Rizal Occidental Mindoro Danupa FA mula sa Rizal; New Generations Farmers' Padawag, Galante Fruit and Vegetable Growers Association (VGA), at Parian Farmers Small Water Irrigation System Association Inc mula sa Calintaan; Unlad Magsasaka Agriculture Cooperative ng Paluan; at  San Agustin Rice Onion VGA mula sa San Jose.

Nakatanggap naman ng tig-isang (1) unit ng Shallow Tube Well (STW) na nagkakahalaga ng Php 150,000.00 bawat isa ang siyam (9) na samahan na kinabibilangan ng: Talabaan Olango Calabua FA mula Mamburao; Onion Growers FA, Palay Corn Vegetable FA, Samahang Pangkalikasan at Pangkaunlaran, at Arya Sikat SLP Association mula sa Abra de Ilog;  Alipaoy Communal IA, at New Maduron Country Farm MPC mula sa Paluan; D' Saladians Vendors Association ng Calintaan; at Kaingin Tagumpay VGA mula sa Sablayan.

"Kami po ay lubos na nagpapasalamat kasi sa tagal na po namin na asosasyon ay marami na po kaming natangap at malayo na rin ang narating ng aming miyembro dahil sa tulong ng DA MIMAROPA. Napakalaki ng tulong nila sa amin mula ng maitatatag kami noong 2016. Ramdam na ramdam po namin ang suporta ng DA sa aming mga magsasaka. Kami po ngayon ay nakatanggap ng STW, napapanahon po ito dahil sa nagbabadyang El Nino kaya kami po ay lubos na nagpapasalamat sa kagawaran," pasasalamat ni Reynante B. Agustin, Chairman ng Arya Sikat SLP Association mula sa Abra de Ilog.

Samantala, anim (6) na samahan ang nakatanggap ng plastic crates na may kabuuang halaga na Php 116,000.00. Ito ay ang samahan ng:  Samahan ng Magsasaka ng Sitio Langog Rizal (15 piraso), Parian Farmers Small Water Irrigation System Association Inc. (15 piraso), Barangay Pitogo Rizal Occidental Mindoro Danupa FA (15 piraso), San Agustin Rice Onion VGA (15 piraso), Alipaoy Communal Irrigators Association (IA) mula Paluan (16 piraso), at Lourdes Multi-Purpose Cooperative (MPC) (40 piraso).

Naipamahagi rin ang isang (1) unit ng 4-Wheel Drive Tractor (45HP) na nagkakahalaga ng Php 1,495,000.00 sa Unlad Magsasaka Agriculture Cooperative mula sa Paluan.

"Ang Unlad Magsasaka po ay lubos na nagpapasalamat sa kagawaran. Kami po ay nakatanggap ng 4WD tractor at PISOS, napakalaking tulong po nito sa amin dahil mapapadali na po ang aming pagbubungkal para sa aming gulayan at sibuyasan. Asahan po ninyo na amin itong iingatan upang humaba ang buhay nito at humaba ang pakinabang. Pagyayamanin rin namin ito upang mapakinabangan ng lahat ng miyembro ganun din po ng lahat ng magsasaka ng Paluan," pasasalamat ni Ranzel C. Duenas, Chairman ng Unlad Magsasaka Agriculture Cooperative mula sa Paluan.

Maliban sa mga samahan, naipamahagi rin ng kagawaran sa Provincial Local Government Unit  ang 375 bags ng Fortified Organic Fertilizers na may halagang Php 285,000.00.

Nakatanggap rin ang Sablayan Prison and Penal Farm (SPPF) ng 375 bags ng Fortified Organic Fertilizers at isang (1) unit ng Multi-Cultivator na nagkakahalaga ng Php 280,000.00.

Nagpasalamat si Corrections Senior Inspector Atty. Frederick Charles Y. Lim, Manager ng Bureau of Corrrection (BuCor) Business Center sa SPPF sa natanggap na interventions mula sa kagawaran.

Ayon sa kanya ito ay malaking tulong sa programa sa reformation program ng mga persons deprived of liberty o PDL at makakatulong rin ang mga interventions sa mga maliliit na magsasaka na kasalukuyang nasa ilalim ng joint venture agreement sa SPPF na nagbukas ng higit 200 ektaryang lupa upang sakahin ng mga farmer cooperatives.

Hinikayat naman ni Governor Eduardo B. Gadiano ang mga lahat ng asosasyon na  ipagpatuloy ang kasipagan upang ang mga interventions na ibinibigay sa kanila ng gobyerno ay magamit upang gumanda ang kanilang buhay.

"Ang purpose lagi ng mga ayuda mula sa DA MIMAROPA, OPA, OMA ay tulungan ng mga kapatid nating magsasaka. Layunin natin ay maging maganda ang buhay nila. Sa purpose nating pagandahin ang kanilang buhay ay una, yung kakain 3 beses sa isang araw, pangalawa ay kung may anak ka dapat mapag-aaral at mapagtatapos mo, at pangatlo, kung makapagpapagamot ka kapag ikaw ay may sakit, " wika ni Governor Gadiano.

Patuloy naman na hinihikayat ni OIC APCO Madriaga ang ibang magsasaka na magrehistro na sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at maging miyembro ng isang lehitimong at aktibong samahan upang makatanggap ng mga ayuda mula sa gobyerno.

Pinondohan ang PISOS, plastic crates, at STW mula sa regular fund ng programa. Samantala, ang fortified organic fertlizer at multi-cultivator ay mula naman sa pondo ng National Urban and Peri-Urban Agriculture Program.

Kasama rin sa matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad si Provincial HVCDP Focal Person Micah Cataloctocan at mga HVCDP staff sa probinsya. Dumalo rin sina OIC- Provincial Agriculturist Alrizza C. Zubiri at ang Office of the Municipal Agriculturist ng San Jose sa pangunguna naman ni Romeo Parocha, Municipal HVCDP Coordinator, na kumatawan kay Municipal Agriculturist Rommel Calingasan.

Image

Republic of the Philippines

All content is in the public domain unless otherwise stated.

About GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.