Nanalo ang 33 enterprise sa nakaraang Provincial Awarding Ceremony ng Young Farmers Challenge (YFC) Program 2023 Start-up (Open Category) ng Department of Agriculture MIMAROPA Region. Ito ay kinabibilangan ng anim (6) na grupo at 27 indibidwal na pinarangalan sa Quezon City noong ika-14 ng Setyembre taong kasalukuyan.
Ang YFC ay isang programa ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ng Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) na naglalayong suportahan ang mga kabataang may interes sa pagsasaka o pangisdaan at hikayatin ang iba na maging aktibo sa pamamagitan ng pagpapakita na may kita sa agrikultura.
Ang mga nagwagi na enterprise na mula sa Oriental Mindoro ay ang: Made in Silangang Mindoro: Virgin Coconut oil na gawa nina Welmar G. Delos Reyes, Millionita S. Amido, Vem Catherine Kaye L. Dimaano, Daleth Aln L. Matutina, at Enacencia P. Sara; Mr. Tubo Sugarcane na gawa ni Jezreel C. Lagang; KMJC Integfeed Farm ni Jestoni M. Atienza; Monti Fish Farm ni Mark Jayson DV. Lualhati; Pig-give Farm nina Charlie Magsino at Julius Medes; Mentor’s Sustainable Semi-Organic Native Pig Production ni Bonifacio Claveria; JR Hog Farm Enterprise ni Ramon S. De Guzman Jr.; at L.A. Flavoured Salted Egg and Balot ni Earl Ryobi T. Legaspi.
Sa Occidental Mindoro naman, ang mga nagwaging enterprise ay ang: Ensiled Maize Stover Cattle Production ni Noel D. Daprosa; Tribo Mushroom House ni Jeylord G. Santelices; Manok na may Dangal ( Layer Chicken) ni Via A. Edoria; at JMA Prime Foods ni John Mark Flores.
Samantala, sa lalawigan ng Marinduque, nanalo ang: Rabbi’s Processed Food Manufacturing nina Donna Ara N. Fernandez, Beverly P. Penales, Analiza G. Rosas at Adelmo M. Nambio Jr.; Farm Reach ni Milky Joy R. Agora; Clarenz Tilapia Farming and Production ni Clarenz P. Capito; Little Farmers Growing Heritage Chicken ni Dave Joshua S. Magturo; at Amari’s Processed Food Manufacturing nina Edna G. Rosas at Kevin Riego.
Sa Romblon naman, wagi ang: Sherly’s Broiler Farm ni Sheryl L. Saturnino; Pan de Quayan nina Kyla Marie F. Gelverio, Leigh Clarms Albrecht F. Mutia at Frezil G. Falla; Smart Farming Mobile Application ni John Raymart R. Colasito, Good Stuff Hydroponics ni Jamela G. Octaviano; at Eduard’s Fresh Chicken ni Eduardo T. Rafol Jr.
At ang huli, sa Palawan, wagi ang: Odorless Pig Production ni Vincent S. Dangan; A&A Goat Haven Enterprises nina Angel Ann A. Estañol at Aquero O. Ombion Jr.; Indoor and Waterless Duck Farming ni Jeffrey S. Sanchez; MnM Swine Solutions ni Marc Jason D. Autencio; Sea Cucumber Farming ni Aishana B. Taha; Mush Box (Mushroom Box) ni Nethan Jash Guban; Goat Farming ni Rowet Q. Marciada; Habibi Farm- Native Chicken meat Production ni Al-asra A. Iralan; Aning’s Hydro Veggies ni Ma. Ana M. Gabinete; at JGC Sweetcorn Production ni Joshua G. Canlas.
Bawat enterprise na nanalo ay masusing pinili base sa kanilang ipinasang business model canvass. Sila ay nakatanggap ng P80,000 na kanilang gagamitin bilang pandagdag sa kanilang pagnenegosyo at makakasama sa mapagpipilian na ilaban sa regional awarding ng YFC.
Sa mensahe ni Regional Executive Director Engr. Ma. Christine C. Inting, ipinarating niya sa mga kabataan ang kanyang pasasalamat sa pagtanggap sa hamon ng Young Farmers at ipinaliwanag ang hangarin ng programa para sa nga kabataan.
“It promises to embrace new knowledge, to invest in the future, and to empower the youth who are change makers like you,” kanyang sinabi.
Hinamon din ni RED Inting ang mga kabataan na mapagtagumpayan nila ang ang kanilang mga panukalang agribusiness upang mahikayat ang mga makabagong henerasyon na pasukin ang pag- aagrikultura.
Samantala, naging Guest Speaker naman sa seremonya si G. John Vincent Q. Gastanes, ang CEO ng isa sa matatagumpay sa start-up agri-enterprise sa Palawan ang Farm Konekt at Project Zacchaues. Siya rin ang nagsilbing chairman of the board of judges. Aniya, ang premyong matatanggap nila ay dapat na gamiting maigi para sa ikauunlad ng negosyo at higit pa roon at huwag makalimot na magpasalamat sa Diyos sa araw araw. Kanya ring binanggit na kung may mga katanungan sila ukol sa kanilang mga pagnenegosyo, huwag silang matakot na lumapit sa mga eksperto tulad ng DA para mas mapaganda pa ang kanilang business model.
“Huwag po tayong matakot na magkamali at magpaturo sa ating mga gawain, dahil sa pagkakamali tayo matututo, kaya huwag po tayong sumuko kapag nagkamali tayo sa ginagawa natin,” dagdag pa ni G. Gastanes.
Kasama rin sa nasabing seremonya sina Promotion Division chief ng DA-AMAS na si Anne Glynn Lisbon, Regional Technical Director (RTD) for Operations Dr. Celso C. Olido, RTD for Research and Regulations Vener Dilig, at si OIC- AMAD Chief Randy Pernia.
Bukod sa ginawang paghihikayat at paggabay ng DA-MIMAROPA AMAD sa mga kabataan, patuloy pa rin ang gagawing pagsuporta ng kagawaran sa pamamagitan ng training at mentoring assistance, market linking at business networking, at tulong sa business product registration at certification. Ito ay upang mas mapaunlad pa ng mga kabataang magsasaka ang kanilang napiling negosyo at maging ang sektor ng agrikultura sa bansa.