Humigit kumulang sa 3.3 milyon na Livelihood Assistance, inihandog ng Department of Agriculture (DA)-MiMaRoPa- Livestock Program sa mga asosasyon sa mga bayan sa Occidental at Oriental Mindoro.
Ang mga nasabing tulong ay mga Baka at Kambing na may housing at mga manok na makakatulong upang mapaulad ang pamumuhay ng mga nakatanggap. Sila ay mula sa bayan ng Victoria sa Oriental Mindoro, mga bayan ng Sablayan, Magsaysay, at Occidental Mindoro State College (OMSC) na matatagpuan sa bayan ng San Jose sa Occidental Mindoro.
Ayon kay Dr. Glimar Gaspar, Campus Director ng OMSC, siya ay nagpapasalamat sa Kagawaran ng Pagsasaka dahil sa kanilang natanggap na tulong na mga Baka, kambing at manok. Dahil dito ay mas mapagaganda pa nila ang mga lahi ng kanilang mga hayop sa lugar nila ang makatulong sa mga mag-aaral na nagnanais mag-aral ukol sa pagahahayupan.
Nagpapasalamat din ang Sablayan Livestock Reserve sa pangunguna ni Dr. Rodrigo Castillo dahil sa mga natanggap nilang kambing at baka na may kasamang pabahay. “Dahil po dito sa mga natanggap namin ay magkakaroon na po kami ng mga pasimulang mga hayop namapaparami upang maipamigay dito sa mga kababayan naming nangangailangan.” aniya.
Sa bayan naman ng Magsaysay, pinapasalamatan ni G. Ismael Guillon, chairman ng Samahan sa Karaluni (SAKARALUNI) dahil sa natanggap nilang mga kaming na may kasama din pabahay. Aniya, magagamit nila ito upang maipamahagi sa kanilang mga kapatid na katutubo na nangangailangan ng kabuhayan.
Isa ring pasasalamat ang ipinaabot ni Mr. Elmer Cobbarubias, Municipal Agriculturist ng Victoria, Oriental Mindoro dahil sa kanilang natanggap ng baboy at kambing. Aalagaan at pararamihin naming nang sa gayon upang maipamigay agad sa mga kababayan nilang nangangailangan ng mga nasabing intervention.
Layunin ng Livelihood Assistance ng Livestock Program na maparami at maipamigay ang mga hayop sa mga recipient na may kakayahan ding magparami ang mga ito at maibahagi din ng mga nakatanggap sa kanilang mga kapitbahay upang magkaroon ng dagdag kabuhayan.